WARNING: It contains scenes with themes, language, violence and sex.
Kinagabihan nga ay sinundo ni Kurt si Jelay sa office nito. Pinaghintay lang siya ni Jelay sa lobby dahil ayaw nyang umakyat at pumasok ito sa office nya. Malugod naman iyong sinunod ni Kurt.
"Hi, Estella!" nakangiting bati nito kay Jelay.
"Hello!" tipid na sagot nito
"Tara?" aya nito kay Jelay. Tumango naman si Jelay at natuwa dahil hindi man lang sya niyakap ni Kurt.
Kadalasan kasi ay sinasalubong sya ng yakap at beso nito na nakakapagpa-ilang sa kanya.
Baka tanggap nya ng hanggang friends lang kami saad ni Jelay sa utak nya.
Maginoong pinagbuksan ni Kurt ng pinto ng kotse si Jelay.
"Thank you" pagpapasalamat nito. Napangiti naman si Kurt at dumiretso na sa driver seat ng kotse.
Habang nasa biyahe ay tahimik lang sila at medyo naiinip na si Jelay.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong nito kay Kurt dahil inaasahan nya na sa malapit lang sila kakain pero medyo kanina pa at malayo na nararating nila ay di pa rin sila humihinto.
"Bakit parang kinakabahan ka? Iniisip mo bang may gagawin akong masama sayo?" nakangiting tanong ni Kurt kay Jelay.
"Hindi naman. Nagtataka lang" sagot ni Jelay.
"Mabuti pa matulog ka muna." pahayag ni Kurt
"Ha? Wag na. Ayos lang." sagot ni Jelay.
Nagtaka siya ng may i-spray si Kurt sa aircon ng kotse.
"A-ano yun?" nagtatakang tanong ni Jelay at lumingon kay Kurt.
Dun nya napansin na nakatakip na ng panyo ang ilong nito..
"Baki---" hindi na natapos ni Jelay ang sasabihin ng makatulog na siya..
Napahingi naman si Kurt."Sleepwell, Babe" pahayag nito sa walang malay na si Jelay.
--
"Master! Hinarang kami ng mga tauhan ni Rhys!" napatayo si Kaori sa kinakaupuan nya sa narinig.
"Ano?!! Putang-ina! Sabi na nga ba may kinalaman ang gagong yun!" galit na turan ni Kaori.
Hindi siya nangangamba sa kalagayan ni Jelay dahil pinapasundan nya ito sa mga tauhan nya pero ngayong naharang ang mga ito ay nabahala na siya.
"Masyado silang marami, Master. Matatagalan kami dito. Baka makalayo na sila Lady Estella" huminga ng malalim si Kaori para makapag-isip ng tama.
"Okay. Ako ng bahala. Tapusin nyo ang mga tarantadong humarang sa inyo" pagkasabi nun ni Kaori ay binaba nya na ang tawag.
Agad syang nagtungo sa kotse nya. Binuhay nya ang makena nito at tinawagan si Jelay pero walang nasagot.
"Pucha!" di nya maiwasan mapamura.
Kinakabahan na siya. Kapakanan ng mahal nya ang nakasalalay ngayon.
Kinuha ang locator tracker nya.. At nakita nya ang patuloy na pag-galaw nun, palayo sa manila.
"Tang-ina ka Deneb! Saan mo dadalhin si Jelay?!" galit na turan nito..
Mabuti na lamang ay nilagyan ng tracker ni Kaori ang kwintas ni Jelay ng puntahan nya ito kanina sa opisina.
Habang nagmamadaling sundan ni Kaori ang papalayong si Kurt at Jelay ay tumawag si Carina sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI