Chapter 51

442 27 7
                                    

February 11

Kami na nga ulit ni Kaori at nagulat ako na nalaman yun agad agad ng mga katrabaho ko. Akala ko si Kaori pa ang nag-kalat, ayun pala ay ang Senyora. Talagang tuwang tuwa siya kay Kaori, nung una tanda ko.. Ayaw niya dito tapos ngayon parang mas mahal nya pa ito kaysa sakin.

Napapa-iling at ngiti na lang ako sa naiisip ko..
Napatingin pa ako sa picture frame sa gilid ng table ko na nilagay ni Kaori.

Yun ang picture namin sa Sky Wheel ng nasa Taiwan pa kami.

Nawala naman bigla ang ngiti ko ng marahas na pumasok si Kurt sa office ko.
Nakita kong pinipigilan pa siya ni Ella pero mukang nagpupuyos siya sa galit

"Ma'am sorry.. Nag-deri-deritso siya e" paumanhin ni Ella.

"Ayos lang.. Iwan mo na muna kami" utos ko kay Ella dahil nararamdaman kong magkakaroon kami ng malalim na pag-uusap ni Kurt.

"Tang ina Estella!! Ano itong nabalitaan ko?!" galit na turan niya

"Kurt, nasa office tayo. Lower your voice." pagpapahinahon ko sa kanya.

"No! I will not!! Tang ina ginago mo ko!! Ginago mo na naman ako!" bulyaw niya sakin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ginago kita? Kurt paano?" nagugulohang tanong ko

"Paano?! Akala ko okay na tayo! Tapos namamalayan ko na lang na iniiwasan mo na ako dahil sinusuyo ka na naman ni Vega! Napaka - unfair mo sakin! Sabi mo hindi ka pa handa! Pero pagdating kay Vega, malalaman ko na lang na kayo na pala!!" galit na galit na turan nito

"Kurt, hindi kita ginago. Ilang beses ko nilinaw sayo na kaibigan lang tingin ko sayo. Paulit ulit ko nilinaw sayo yan pero pinipilit mo na kahit magkaibigan na lang kaya pinagbigyan kita pero ng maramdaman ko na pinipilit mo na naman sarili mo sakin nilayuan kita kasi ayukong bigyan ka ng false hope. At hindi ako unfair. Wag mo ikumpara ang ginawa ko kay Kaori at sayo. Magkaiba ang sitwasyon nyo." sagot ko sa kanya

"At bakit? Anong pinagkaiba namin? Parehas lang naman kaming gusto ka!" nanghahamon na tanong niya..

I'm tired of understanding him.

"Si Kaori mahal ko. Ikaw kaibigan lang tingin ko." deritsong sagot ko sa kanya.

Yun naman ang totoo. Kaya magkaiba talaga treatment ko sa kanila.
Ganon naman talaga diba? Mas i-entertain mo yung gusto mo kaysa sa iba.

Nakita ko ang pagtiim bagang nya at pagdilim ng muka niya.. Parang nanginginig pa ang labi nya sa galit.

"Umuwi ka na, Kurt. Please lang, habang tinuturing pa kitang kaibigan." pahayag ko..

"Estella, hindi mo pa ako ganon kakilala! Hindi mo alam ang kaya kong gawin." nakakuyom kamaong saad niya

"Pinagbabantaan mo ba ako Mr. Andromeda?" tanong ko sa kanya at nakipagsukatan ng titig

Tumawa lang siya ng medyo mahina. A laugh that full of sarcasm.

He stormed out in my office at dun lang ako nakahinga ng maluwag.

Aaminin kong natakot ako. Nakakatakot ang itsura nya kanina para siyang papatay.

Agad kong tinawagan si Kaori para kumalma ako.

"Namiss mo ko agad, Love?" bungad nya sakin.

"Yeah. Busy ka?" tanong ko sakanya

"Medyo pero syempre, i can make time for you" sagot niya

"Lunch tayo later, Love." lambing ko sa kanya..

Simula ng maging kami ulit ay tinatawag ko na rin siya ng love.
It made us like a normal couple.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon