Chapter 20

384 29 12
                                    

JILLIAN ESTELLA PORTIA

Tahimik lang kami habang pabalik ni Kaori sa hotel.
Kasal na kami. Kasal na ako sa demonyitang mukang anghel na katabi ko.

Hindi ko lubos maisip na ang simpleng pamumuhay ko dati sa Orion ay magiging ganito kaingay, kagulo, ka-aksyon at kung ano ano pa.

Mabuti pa siguro kung hindi kami nagkita muli ni Kurt. Wala siguro ako sa posisyong ito kasi walang magagamit si Kaori laban sakin. Pero dahil nagkita kami ulit ni Kurt at mas lumalim ang pinagsamahan ay naging mahalaga siya sakin, siya ang naging lakas ko laban kay Kaori pero siya din pala magiging kahinaan ko.

                                                                                                         

Sa pagpapakasal ko kay Kaori, pakiramdam ko nawalan ako ng kalayaan. Kalayaan mag-isip, pumuli at magdesisyon. Hawak niya ako sa leeg, para akong bagay na pag-aari niya.

At kapag sawa na siya sakin, o matauhan siya na wala naman talagang special sakin. Sigurado akong ibabasura nya rin ako.

She never told me anything sweet to me.
Kahit man lang sana sabihin nyang, maganda ako sa paningin nya. Kahit simpleng pambobola lang!

Kaso wala, puro pang-aangkin. Ay, oo nga pala. Sinasabihan niya akong mabango pero pakiramdam ko minamanyak niya ako kapag ganon. Nakakainis!

Ang lagi nya lang sinasabi, sa kanya ako. Pakidamdam ko kapag ganon para lang akong isang bagay sa kanya.

Napapansin ko rin naman ang mga small gestures nya nitong mga nakaraan pero di ko binibigyan ng kahulogan. Baka ginagawa niya lang yun para bumait ako sa kanya. Eh ayukong maging mabait sa taong kinuha sakin ang karapatan kong pumili ng mapapangasawa ko.

Hinatid nya ako pa ako sa kwarto ko. Naghuhubad na ako ng mga damit na doble doble ng mapansin kong nakatayo pa rin siya sa may pinto ng unit ko.

Pumasok namab agad sa isip ko na nag-eexpect siya ng something. You know? Yung ginagawa sa gabi ng kasal.

"K-Kung nag-iisip ka ng masamang bagay. Pwes! Tigilan mo na. Bumalik ka na sa kwarto mo." tapang tapangan na pahayag ko. Muntik pa ako mabulol.

Alam nyo naman mahina ako sa tukso ng karisma nitong demonyetang ito. Kaya ayuko rin nagtatabi kami matulog o nagsasama ng isang kwarto na kaming dalawa lang.

"Ahmm.. Love.. Kasi.." pakamot kamot siya sa kamay niya at halatang may gustong sabihin.

"Kasi?" tanong ko na rin sa kanya habang hinahanda ang pantulog. Di na ako maliligo. Sobrang lamig! Mabuti na nga lang at inabutan ako kanina ni Carina ng mga panlamig.

"Patabi naman! Kahit isang gabi lang." mabilis na saad nya na nagpupuppy eyes pa. Akala nya naman kina-cute nya.

Hindi kaya!

Kasi sobrang cute lang naman nya!

"Hindi." madiin na sagot ko.

"Hoy! Baka nakakalimutan mo. Asawa mo na ako! Karapatan kong matulog sa tabi mo!" singhal nya sakin. Nawalan na naman siya ng pasensya.

Di ako nagpatalo sa kanya at tinaas siya ng kilay.

"Sige na kasi, Love.." lumapit siya sakin at hinawakan pa ang kamay ko na parang nagmamakaawa. Kung hindi ko lang alam ugali nya iisipin kong nagmamakaawa nga siya

"Ayuko nga. Pipilitin mo na naman ba ako?!" naiiritang tanong ko sa kanya.

Natauhan naman siya sa sinabi..

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon