JILLIAN ESTELLA PORTIA
Nasa elevator pa lang kami pa-akyat ng unit namin ay nilalandi na ako ni Kaori. Alam ko naman kung ano ibig sabihin ng banta nya kanina lalo na ngayon sa pinapakita nyang paghimas himas sa ibabang bahagi ng likod ko.
It's her foreplay and it's really turn me on.
Kaso pagbukas ng elevator sumama ang muka ko ng makasalubong namin si Lance. Kasama nya yung babaeng nakita kong kasama nya nung nakaraan.
Babaero din talaga.
"Master Vega!!" masayang salubong nung babaeng kasama ni Lance kay Kaori.
"Leilani." mahinang tawag ni Kaori dito.
"Hello Estella!" masayang bati din nito sa akin.
Nginitian ko naman siya ng tipid. Magaan naman kahit papaano ang loob ko sa kanya.
"Saan kayo galing mag-asawa?" tanong pa rin nito habang nakakapit sa braso ni Lance. Sa loob loob ko nangingiti ako, ewan ko. Pakiramdam ko sa mga panahong ganito, ako talaga ang partner ni Kaori
"Janfusun" tipid na sagot ni Kaori.
Ang taas ng energy ni Ate tapos si Kaori parang walang gana.
"Ahh. Nice! Kumain na kayo, mag-asawa?" tanong pa rin nito.
Bakit alam niyang mag-asawa kami? Kung alam niyang mag-asawa kami, edi alam din pala ni Lance.
"We can handle ourself" masungit na sagot ni Kaori
"Sayang naman! Aayain sana namin kayo kumain sa labas. May masarap na restaurant malapit dito tsaka gusto ko pa sana mas makilala si Estella" nanghihinayang na saad nito at ngumiti pa sakin
"We're busy. May gagawin pa kaming mag-asawa" sagot pa rin ni Kaoni na masungit
"You're not wearing your wedding ring?" tanong nito sa akin kaya napakapit ako sa kamay ni Kaori.
Maiinis na naman kasi siya kapag naisip niyang di ko yun sinusuot.
"She will never wear that, Babe. Don't you know, She has a boyfriend before the wedding. Force marriage? Isn't it?" tanong sakin ni Lance.
Tututol na sana ako pero naunahan ako ni Kaori.
"Mind your own business, Rygel." malamig na saad nito.
Natahimik naman si Leilani ba yun? Alam ko Ashley tawag sa kanya ni Lance e. Mas gusto ko rin tawagin siyang Ashley.
Ashley? Naaalala ko na!! Siya yung babae sa panaginip ko! Yung nagtatanggol sa akin. Kaya pala magaan loob ko sa kanya.
Dahil sa lalim ng pag-iisip ko ay di ko napansin na kinakaladkad na pala ako ni Kaori papasok sa Unit namin.
Madilim na naman ang awra nya. Malamang dahil napahiya siya kay Ashley at Lance pero sasagot naman kasi ako na mahal ko naman siya kaso lang inunahan niya ako.
Pabagsak siyang nahiga sa kama..
Hinubad ko ang sapatos nya at medyas habang nakahiga siya padapa.
"Jelay, why are you doing this to me?" mahinang tanong niya.
Doing what? Hindi ko alam tinutukoy niya.
"Pakiramdam ko mababaliw na ako" muling saad niya
Matagal na siyang baliw bakit ngayon nya lang nararamdaman?
--
Simula ng gabing iyon ay naging matatahimikin na naman si Kaori para syang bumalik sa dati. Yung parang walang paki-alam sa akin.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI