Boryong boryo si Jelay sa buong klase nya. Nakaka-antok din pala kapag walang nambabato ng kung ano ano. Saad nito sa kanyang sarili.
"Dismiss!" lumiwanag ang muka ni Jelay at nawala ang antok sa sinabi ng kanyang professor.
Mabilis niya ng inayos ang kanyang mga gamit at lumabas ng classroom.
Nagtungo siya sa cafeteria ng school.
Nakatayo sya sa harap ng counter at inignan nya yung Menu Price."Sobrang mamahal naman!" ani nya na hindi namamalayan na lumabas na pala sa bibig nya ang nasa isip nya.
Nakaramdam siya na may umihip sa tenga nya kaya agad siyang napalingon dito. Muntik nga pang mahalikan ito dahil sa lapit ng muka nito sa kanya..
"B-Bakit ka a-andito? Tsaka ang lapit mo! Kung gusto mo ko halikan sabihin mo lang!" inis na sa saad nito habang hinihimas pa ang batok nya na nagtayoan dahil sa ihip na yun samantalang tinaasan lang siya ng kilay ni Kaori sa sinabi nito.
Okay Noted. Sagot ni Kaori sa isip nya.
"Hi Estella! Pinuntahan ka namin sa klase mo pero naka-alis ka na daw.." masayang bati ni Kyzha dito..
"A-ah.. E-eh.." hindi alam ni Jelay ang kanyang isasagot. Natataranta sya sa presensya ng Orions sa paligid nya..
"Let's eat. Let's go" matipid na ani ni Kaori at nagsimula ng maglakad.
Tinitigan lang ito ni Jelay.. Ngumiti si Carina na parang nag-aaya kay Jelay bago sinundan si Kaori. Si Kyzha naman ay mabilis na kumapit kay Jelay at hinila ito.
"Master, andun yung cafeteria. Saan tayo kakain?" tanong ni Jelay kay Kyzha habang naglalakad sila.
"Diyan lang." bibong sagot nito.
Kapansin pansin talaga na si Kyzha ang pinaka masayahin at makulit sa tatlo. Si Kaori pinaka tahimik at si Carina yung sakto lang.
Tumahimik na lang si Jelay hanggang makarating sila sa Penthouse.
Pagpasok ay dumiretso sila sa dining area.May pabilog na table dun at apat na upuan.
Umupo na ang tatlong Orions at si Jelay ay nanatili lang na nakatayo.."Umupo ka na Estella" hatak ni Kyzha kay Jelay upang paupuin ito sa pagitan nila ni Carina na bakanteng upuan.
"B-Baka dumating si Lance, wala siyang mauupuan." nahihiyang saad ni Jelay.
Bakit sakto lang kasing apat upuan dito!? Tsaka bakit kasama ko sila kumain! Pagkausap ni Jelay sa kanyang sarili.
"Hindi siya sumasabay samin kumain." tipid na sagot ni Carina.
Hinatak naman ni Kyzha ng mas malakas si Jelay paupo kaya wala siyang nagawa kundi maupo.
Kapag dumating si Lance ay tatayo na lang ako. Saad ni Jelay sa isip
Pagkaupo ni Jelay ay mabilis na hinain ang masasarap na ulam at panghimagas sa lamesa nila.
Kahit dito sa Penthouse ay may tatlong katulong pa rin sila at dalawang Body Guard.Sa panaginip ko naka Men in Black sila pero naka white naman pala sila at konti lang hehe. Natatawang saad ni Jelay sa isip niya.
"Why are you smiling?" lahat sila ay napalingon kay Kaori na nagsalita.
"A-ako?" tanong ni Jelay ng makita sa kanya ito nakatingin.
Binigyan lang siya ni Kaori ng Obviously-Look.
"Are you happy?" muling tanong ni Kaori ng hindi ito makasagot.
Naisip ni Jelay na baka pahirapan siya ni Kaori kapag sumagot siya ng oo.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI