Chapter 7

405 33 5
                                    

Nagising si Jelay sa masakit na tama ng araw sa balat niya.
Unti unti nyang minulat ang kanyang mata at nilibot ang tingin sa paligid.

"Gising na po pala kayo. Mag-ayos na po kayo para makababa at makakain." nahihiyang tumango si Jelay dito..

Tumayo siya at napansin niyang andun na sa kwarto ang mga gamit niya.

May mga nakahanda na rin susuotin niya.
Kulang sky blue na casual cocktail dress na above the knee at glass shoes na may shade ng blue din. Yung tulad ng kay Cinderella.

Iniisip ni Jelay kung para saan iyon? Bakit kailangan maganda ang damit niya tsaka di siya komportable sa heels.
Matangkad na sya para mag-heels pa.

Pagkatapos mag-shower at makapag-ayos ay nilagyan pa siya ng light make up ng isang maid.

Pagtingin nya sa salamin ay di siya makapaniwala. Simple lang naman ang make up nya, simple lang rin disenyo ng suot nyang dress pero pakiramdam nya ay gumanda siya ng sobra.

Marahil dahil na rin sa ngayon lang ulit ako nakatulog ng maayos. Saad nya sa kanyang sarili.

"Halina po kayo sa baba. Naghihintay na sila Master" sa sinabi ng maid ay biglang kinakabahan si Jelay.

Magkikita at magkakalapit na naman sila ni Kaori..

Tahimik lang siyang nasunod dito. Ang dami nilang nadaang pinto at napakalawak na hallway bago sila bumama sa grand staircase. Medyo di naman ganon kalayong lakaran ng pumasok sila natatandaan nyang Dining Area.

Pagpasok nya ay agad nyang nabungaran ang magkakapatid..

"Estella!" masayang bati sa kanya ni Kyzha..

Tipid lang siyang nginitian ni Carina samantalang di naman siya tinaponan ng kahit konting tingin ni Kaori.

Tinitigan nya lang si Kyzha dahil nagtataka siya sa inaakto nito.
Tumayo ang dalaga at nilapitan siya.

"Halika, kumain na tayo!" masayang saad nito at hinila siya.
Pinaupo siya nito sa tabi niya.

"Kumusta naman naging tulog mo?" patuloy sa masayang tanong nito habang nagsisimula na silang kumain.

"Ah.. Eh.. Okay naman" nahihiyang sagot ni Jelay. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari.

Bakit kasabay ko kumain ang tatlong itlog na ito? At ang lambing pa ni Kyzha? Tanong ni Jelay sa kanyang sarili.

Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay pumasok si Lance na pinagtaka ni Jelay.
Dumiretso ito kay Kaori at humalik sa pisngi nito.

"Let's go?" nakangiting aya nya kay Kaori.

Walang salitang tumango si Kaori at tumayo.
Agad napansin ni Jelay ang paghahawak kamay ng dalawa habang palabas ng room.

"Boyfriend ni Vega si Rygel." pahayag ni Kyzha na tila sinagot ang katanongan sa isip ni Jelay..

"Ahh.." tipid na sagot nito at nagpatuloy sa pagkain.

"Their relationship is private so don't you dare na ipagkalat ito. Lalo na sa school." saad ni Carina na nagpatuloy sa pagkain.

"Yah! They been together for 2 years.. Ewan ko nga kay Vega bakit ayaw nya ipaalam sa iba ang relasyon nila ni Rygel. Kaya itong si Rygel nakakalandi sa ibang babae. I don't like him for Vega." diretso at walang prenong saad ni Kyzha..

"Who likes him for Vega? Haha" natatawang tanong ni Carina na mababakas ang sarkasmo.

"Yeah right! Haha itong si Vega lang naman ang inlove na inlove dun!" turan ni Kyzha na parang naiinis.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon