Chapter 3

373 30 11
                                    

Orion Penthouse (Inside Orion University)

Umaga pa lang ay na ngingiti na si Kaori ng makitang papalapit sa kanila si Jelay.
Nilingon nya ang mga kapatid.

"I told you! Haha" natatawang saad nito.

Nang tuloyang makalapit si Jelay ay pinilit ni Kaori na magmukang seryoso..
Nakipagtitigan si Jelay dito..

Damn eyes!

Medyo napahinto pa si Jelay. Nakita nya ang mga mata ni Kaori na walang buhay. Hindi tulad ng sa panaginip nya na kumikislap

"Why are you here?" seryosong tanong ni Kaori sa kanya..

Pinanlisikan lang siya ng tingin nito.

"Siraulo ka! Halimaw!! Kung tingin mo susuko ako sayo pwes! Hindi!! " galit na bulyaw ni Jelay na kinabigla ni Kaori..

Mabilis na tumalikod ito ngunit di pa nakakalayo ay muli nyang hinarap si Kaori..

*Paak

Malakas na sampal ang ginawad nya dito.

"Kulang pa yan sa mga pagpapahirap mo sa akin! Baliw!" mabilis na tumakbo si Jelay sa lugar dahil na rin sa takot na baka bawian siya ni Kaori.

Nabigla ang lahat sa nangyari at walang naka-imik.

Unang nakabawi ay si Kyzha..

"Luluhod pala ha? Hahaha" nang-aasar na turan niya sa kapatid.

Hinihimas ni Kaori ang pisngi nyang sinampal ni Jelay..
Masakit ang sampal na iyon. Nalasahan nya ang kanyang dugo.

"That shit really getting in my nerve!" nakakuyom na saad ni Kaori

"Ano ba ginawa mo at galit na galit?" walang ganang tanong ni Carina sa kapatid habang nakapade-kwatro na upo sa mahabang couch nila.

"Tinanggal ko siya sa Billiard Team kaya tanggal na rin ang scholarship nya. Wala na siyang magiging allowance. Sigurado akong lalapit pa rin siya sakin kapag wala na siyang makain!" paninigurado ni Kaori

Nailing na lang si Carina at Kyzha sa inaasta ng kapatid.

"You're being immature. Napakababaw ng kinakagalit mo sa kanya. Hindi katulad ng iba nating mga pinahirapan na kumalaban talaga sa atin." pahayag ni Carina.

Tinitigan lang siya ng masama ni Kaori pero dahil hindi naman siya nakatingin sa kapatid ay balewala lang iyon.

"Crush ko pa naman siya" napalingon naman si Kaori sa sinabi ni Kyzha..

"What?! Kaya ba tinulongan mo siya nung nakaraan?!" hindi makapaniwala si Kaori sa narinig.

"Oo. She's pretty, sexy, fierce and looks like full of wisdom." sagot pa rin nito habang maarteng nainom sa tea cup nya.

"You're unbelievable! She's just a piece of shit! Stop liking her!" utos nya sa kapatid. Tumaas lamang ang kilay ni Kyzha at binalewala ang sinabi nito.

"I said stop liking her!!" bulyaw nito sa kapatid kaya sinulyapan siya nito at binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Why? You like her?" lumaki ang mata ni Kaori sa sinabi ng kapatid.

"Are you out of your mind?! Why would i like her?! That's insane!" histerikal na sagot nito.

Kumibit balikat na lang si Kyzha at Carina..
Umakyat si Kaori sa taas ng Penthouse nila at tumambay sa Terrace kung saan tanaw na tanaw nya ilang mga estudyanteng nagdadaan.

Dito nya natatanaw kung minsan na hinahabol si Jelay at pinapahirapan ng mga inutusan niya.

"Susuko ka rin. Di mo ko matatalo"

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon