JILLIAN ESTELLA PORTIA
Kaori have been consistent for the past weeks. Gabi gabi nya ako sinusundo sa office at ihahatid sa bahay para dun mag-dinner kasama si Lola. Sabi nya, ayaw niya daw kasi mag-isang kumain si Lola ng dinner. Nararamdaman ko pagmamahal niya sa lola ko na kinakatuwa ko.
Casual lang kami sa isa't isa kahit alam kong gusto nyang maging kami ulit. Sabi naman niya, hindi siya nagmamadali at hindi ko rin naman minamadali ang pagpapagaling ng puso ko.
Aaminin ko, sobrang natutuwa ako sa nakikita kong Kaori ngayon. She's more sweet now, caring and vocal. Malaki na ang pinagbago niya at di ko nakikita na ginagawa niya lang yun dahil gusto niyang maging kami ulit. Nakikita ko na ginagawa niya iyon kasi yun na siya.
Walang mintis ang mga sweet morning text nya. A call to get check on me. Hindi ko rin matatanggi na talagang sa kanya ko lang ulit nararamdaman yung tuwa na hindi mabibigay ng iba.
Kinikilig ako sa lahat ng ginagawa niya, hindi ko lang pinapahalata sa kanya kasi baka lumaki ang ulo niya.
"Hi Love!" masayang salubong nya sakin at mabilis na humirit ng halik sa pisngi ko. Kung may hindi nagbabago sa kanya, yang pagiging aggressive niya.
"Hindi tayo sa inyo mag-didinner tonight. Nagpaalam ako kay Mommy" pahayag niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Nasasanay na rin ako sa kanya. Kung hindi sa bewang ko naka-hawak sa kamay ko naman.
"Ms. Estella, dumaan nga pala si Sir. Deneb dito pero sinunod ko po yung utos nyo na--" binigyan ko ng 'shut-up-look' si Ella dahil ayukong marinig ni Kaori.
Inuutos ko kasi kay Ella na kapag hinanap ako ni Kurt ay sabihing busy ako o may pupuntahan. Iniiwasan ko lang talaga siya kasi ang kulit niya.
Ilang beses ko ng sinabi na ayuko pero kung ano dami ng excuses ko ganun din siya para makalapit sa akin. Ginagamit pa pagkakaibigan namin, buti sana kung walang hidden hajenda.
"What's that?" ayan na nga. Nagtanong na si Kaori.
"Wala. Chismosa?" pagtataray ko sa kanya para ma-divert atensyon nya kaso bigo.
"Ella, ano yun?" pamimilit niya kay Ella.
"Ella, umuwi ka na." sabat ko naman..
Ayukong malaman niya na iniiwasan ko si Kurt tapos siya hinahayaan kong lumapit sakin. Alam kong iisipin niya na malaki pag-asa niya sakin na totoo naman. Hindi ko naman siya hahayaang mag-effort ng ganyan kung hindi.
"Ano yun, Love? Anong utos yun?" pangungulit niya sakin na nilalaro pa daliri ko sa kamay.
"Wala nga. Tara na! Baka gabihin tayo ng uwi.." aya ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagtatanong.
"Bakit parang ang layo ng pupuntahan natin? Baka gabihin tayo ng uwi?" tanong ko sa kanya kasi nag-take kami ng expressway.
"Just trust me, Love" sagot niya.
After almost one hour ay huminto na ang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at agad akong nakaramdam ng lamig pagbaba ko.
"Where are we?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin.
"Halika." aya niya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at ginuyod ako. Nagpatianod na lang ako sa kanya.
Isang resthouse na dalawang palapag ang ang tinungo namin.
May katamtamang liwanag ang bahay dahil sa mga maliliit na warm lights sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI