On the way na kami ni Jelay papuntang Taiwan kung saan kami magpapakasal. That's two days from now.
Inayos ko na rin ang pananabutahi ko sa company ng mga Andromeda. Stable na ulit ang kompanya nila. Hindi man lang nagpasalamat sakin si Jelay. Tsk. Si Deneb naman nagpapagaling pa rin.
Si Jelay, ito nasa tabi ko pero parang ang layo layo sakin. Simula ng malaman nya ang ginawa ko at pumayag siyang magpakasal sakin ay hindi nya na ako kinakausap. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nun.
"What do you want?" malambing ng tanong ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng eroplano.
Inabutan ko siya ng neck pillow pero hindi nya tinanggap yun kaya ako na nagsuot nun sa leeg nya. Maingat kong sinuot sa leeg nya, hindi naman siya nagreklamo. Inayos ko ang buhok nya at pinasandal siya sa upuan.
"You'll sleep muna" saad ko at dinampian siya ng halik sa pisngi. Hinawakan ko rin ang kamay niya. Di naman siya nagrereklamo sa lahat ng ginagawa ko. Yun nga lang parang bloke ng yelo ang kasama ko.
*
Pagdating namin sa Taipei ay nag check in kami sa hotel. Magkaibang unit kasi yun ang gusto ni Jelay.
Pumayag siyang magpakasal kapalit ng pagsalba ko sa Company ng Andromeda at hayaan ko daw siya sa mga gusto nya.
Pumayag na ako. Ayuko naman isipin niya na ako lang talaga ang masusunod. At gusto ko kapag mag-asawa na kami maramdaman nya na handa kong ibigay ang lahat sa kanya.
Na kahit hindi ko masabing mahal ko siya ay maparamdam ko yun sa kanya.
Isa sa hiningi niya sakin na i-secret ang wedding namin. Gusto nya simpleng pirmahan lang ng contract sa harap ng abogado o judge na magkakasal samin.
Ayuko ng una dahil gusto ko sana maging engrande. Yung may pre-nap shoot. Yung magsusuot kami ng magandang gown. Yung masasaksihan ng buong mundo pero ayaw niya.
Nakakalungkot lang isipin na wala man lang akong mapapa- frame na kasal namin tapos isasabit ko sa kwarto.
Nahiga na lang ako pabagsak sa kama.. I called the staff to serve Jelay a food. Hindi na ako umorder ng akin. Wala akong gana.
February 7 ngayon at sa February 9, gaganapin ang kasal namin sa Pingxi, Taipei. Natulog na muna ako, medyo masakit din kasi ulo ko.
Alam ko rin naman na hindi ako tatakasan ni Jelay kaya hinayaan ko lang siya mag-isa sa kwarto nya. Alam niyang kahit saan siya magpunta ay masusundan ko siya.
Pagkagising ko ay 4am na ng umaga. Nag-shower na ako at nag-order ng coffee. Wala pa rin akong ganang kumain kaya kape na lang. Sa hotel room na pinag check-in namin ay may glass window, sa tapat nun ay may countertop na maliit at bar stool na dalawa.
Kung titignan ay parang sinadya para sa nagmamahalan kasi sarap sanang mag kape dito katabi ang mahal mo tapos sight seeing lang sa city lights. Medyo madilim pa kasi kaya ilaw lang mula sa mga gusali at bahay ang nagbibigay liwanag sa paligid.
Nagtatalo ang isip ko kung pupuntahan ko ba si Jelay o hahayaan ko na lang siyang magpahinga. Habang nag-iisip at mangangalahati na ang kape ko ay nag desisyon akong lumipat sa kwarto niya.
Hindi na ako kumatok. May connecting door kasi naman ang mga unit namin dalawa..
Tahimik akong pumasok sa kwarto nya at naabutan siyang tulog.Pinatong ko ang kape ko sa countertop niya na kaparehas ng akin..
Dahan dahan akong tumabi higa sa kanya at ng maramdaman nya iyon ay parang automatic siyang dumikit at yumakap sakin.Napangiti naman ako.. Mabuti pa kapag tulog siya, ang lambing nya sakin..
"Love, i can't wait to be like this with you forever." bulong ko sa kanya kahit alam kong di nya maririnig.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI