KAORI VEGA ORION
Pagbaba ng eroplano ay ramdam ko ang saya ni Jelay. Ako naman ay di mawala ang pangamba. Natatakot talaga ako ngayong nasa manila na kami ni Jelay.
Nabalitaan ko na rin na okay na si Deneb. Hindi na lang sila sa chat magkaka-usap, pwede na sila magkita ng personal.
Kung tulad dati ito, papabugbog ko na lang ulit si Deneb pero iba na ngayon. Alam kong magagalit kasi si Jelay kapag ginawa ko iyon.
Gusto ko pagbigyan siya na maging malaya, gusto ko rin maramdaman ang pakiramdam ng pinipili pero nakakatakot. Paano kung hindi ako ang piliin nya?
"Master! Ayun na sila Kyzha!" masaya nya akong hinihila palapit kay Luna at Lyra.
"Welcome back gorgeous Estella!" salabong ni Lyra sa asawa ko.
"Salamat Lyra! Nag-abala pa kayo magsundo." magiliw na sagot nito
"Ano Vega? Parang di ka masaya ah! Haha" natatawang baling nito sa kin.
"I'm happy" tipid na sagot ko. Umismid sakin si Lyra at muling bumaling kay Jelay.
"Bebe Estella! How are you?" malambing naman na approach ni Luna dito.
Mas excited pa sila makita si Jelay kaysa sa akin pero ayos lang naman. Nag-kumustahan sila. Ako naman ay tahimik lang na nakahawak sa kamay ni Jelay. Andito kami sa loob ng limousine, pauwi sa bahay namin.
"Balita ko Estella, ngayon linggo lang daw kayo nagka-ayos ah. Tatlong buwan kayo dun tapos isang linggo lang kayo bati? Haha" nang-aasar na naman na turan ni Lyra. Kahit kailan talaga
"Pataasan daw kasi sila ng pride! Hahaha" gatong pa ni Luna
"Naku! Sabi pa naman ang pride parang panty. Kapag walang nagbaba, walang mangyayari! Hahaha" sino pa ba? Edi, si Lyra na namana sakin ang pagiging bastos ang bunganga.
Nangingiti na lang ng alanganin sa kanila si Jelay.
"Nagkabati sila e. May nagbaba ng panty! Este ng Pride! Hahaha" nahahawa na rin ata si Luna kay Lyra.
"Sino unang nagbaba ng panty sa inyo? Haha" diretsong tanong ni Lyra sa asawa ko.
Sumulyap muna sakin si Jelay bago sumagot.
"Ako. Di naman magbababa ng pride yung isa dyan" pasaring sakin ni Jelay.
"Paanong ikaw? Ako ang unang nagbaba ng panty! Este ng pride! Andito pa lang tayo sa Pilipinas binababa ko na pride ko" sabat ko kay Jelay.
Last week siya unang nag-approach pero sa buong pagsasama namin ako talaga ang unang nagpakumbaba. Never niya pa nga ako nasabihan ng iloveyou. Ako trice ko na siya nasabihan nun!
"Tama na yan! Di na namin itatanong sino unang nagbaba ng panty. Baka mag-away pa kayo. Hahaha" nang-aasar pa rin na pahayag ni Lyra.
Muli na lang silang nagkwentohan ng kung ano ano. Nanahimik lang ako sa tabi hanggang makarating sa bahay.
MALIGAYANG PAGBABALIK MASTERS!
Salubong samin ng mga maids. Ngumiti ako kay Aleng Celeste pagkakita ko.
"Welcome back paborito kong alaga." mahinang bulong nito sakin..
Niyakap ko naman siya at nginitian.
Gets niya na yun ang ibig kong sabihin."Napaayos nyo na po ba yung kwarto ko?" tanong ko dito
"Yes, Master." magalang na sagot nito.
Pinalipat ko kasi ang mga gamit ni Jelay sa kwarto ko para iisa na lang kaming kwarto. Alangan naman mag-asawa kami tapos maghihiwalay kami ng kwarto.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI