WARNING: MATURED CONTENT AHEAD
Nabigla ako sa lalaking nasa harap namin. Kinakabahan ako at napahawak sa kwentas ko. Sa kwentas na bigay ni Kaori.
"Oh. Hi Estella! I like your necklace." casual na bati nito sa akin.
Hindi ko alam paano ako mag-rereact sa kanya."Why are you here, Rygel?" seryosong tanong ni Kaori dito.
Dire-diretso ito sa loob at prenteng naupo sa couch.
"Nakalimutan mo na ba na may penthouse ako dito? I'm living here." kampanteng sagot nito.
Sinundan siya ni Kaori at naupo sa katabing couch nito.
"Sa Pilipinas ka nakatira, not here." madiin na sagot ni Kaori.
"Hahaha nagbabakasyon lang, kayo nga nagbabakasyon dito." patawa tawa pang sagot niya hanggang mapasulyap sa akin.
Napayuko naman ako. Pakiramdam ko, kabet ako. Nasanay akong siya ang nagmamay-ari kay Kaori at iba din ang presensya nya sa personal. Parehas sila ni Kaori na may nakaka-takot na awra.
"Rygel, what are you doing here?" nagugulohan pa rin na tanong ni Kaori.
"I'm just checking on you babe. If you are happy playing around." playing around? Sinasabi ni Rygel yun habang nakatingin sakin at may nakakalokong ngiti.
"I'm not playing around. Stop saying damn things!" giit ni Kaori dito.
"She's really hot, pretty and fuckable. No wonder na-attract ka sa kanya pero Kaori, we all know na ako ang mahal mo. I'm your first love. Ilang beses na ba tayo naghiwalay at nagkakabalikan? Alam ko babalik ka pa rin sakin kapag nagsawa ka na sa kanya. Ayos lang, pagbibigyan kita. Mag-enjoy ka muna at mag-eenjoy din muna ako, babe." dire-diretsong ani nito at bumeso pa kay Kaori.
Tumayo siya at muling tumingin sakin.
"Mas magaling ba ito sakin? Mas napasaya ka ba niya? Haha i doubt!" tumatawang ani nito.
"See you around, Babe!" paalam nito kay Kaori bago tuloyang lumabas ng unit namin.
Hindi ko alam pero parang sinasaksak ako sa mga sinabi niya.
Hindi man lang ito kinontra ni Kaori.At yung mga huling sinabi niya. Alam ko hindi dapat ako masaktan kung may nangyari noon sa kanila ni Kaori p-pero bakit ang sakit sakit isipin?
Ano nga ba laban ko sa tunay na lalaki? Tama siya. Babalik at babalik sa kanya si Kaori.
"Love, hindi ka naman naniniwala sa sinabi niya diba?" tanong nito sakin habang nakahawak sa magkabilang balikat ko at gustong salubongin ang mata ko pero nanatili lang akong nakayuko.
Hanggang sa tumitig ako sa kanya at ngumiti.
"Wala yun. Hindi mo kailangan magpaliwanag" sagot ko sa kanya at dumiretso sa ref para maghanap ng maiinom.
Naiiyak ako kaya uminom ako ng tubig para mapigilan yun..
Mahal na mahal ko na si Kaori. Hulog na hulog na ako sa kanya e. Ikakamatay ko ata kapag iniwan niya ako. Ito na ba yung sinasabi nyang pagpapahirap sa akin?
Making me believe that she somewhat has a feeling for me tapos kapag hulog na hulog na ako, dun niya ako iiwan.
Siguro nga may something pa sila ni Lance. Pauli ulit siyang tinitext at tinatawagan nito. Nakita ko rin na sinagot nya ang tawag nito nung nakaraan.Is this part of her torture to me? Kasi kung oo, ang effective. Ngayon palang para na akong hindi makahinga. Isipin ko pa lang na iiwan nya ako at babalik siya kay Lance, sobrang sakit na.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI