Kinaumagahan ay sinabi ko kay Kurt na magkita na kami. Naramdaman ko pa ang saya sa kanya at pananabik kaya lalo akong kinakabahan.
Andito na ako sa labas ng restaurant ngayon.
"Are you sure na hindi kita sasamahan?" pangungulit ni Kaori.
"Oo nga. Kaya ko na ito, Master" sagot ko sa kanya.
"Unlock the car" utos ko sa kanya kasi nakalock pa rin ang kotse. Hindi ako makababa. Ayaw nya ako pababain.
"Tawagan mo lang ako, Wife kapag may nangyaring hindi mo inaasahan ha?" paalala nito sakin na tinanguan ko.
Ilanh beses nya na kasi sinabi yan. Hay naku.
"I'll pick you up." muli nyang paalala. Inirapan ko na siya. Sobrang paulit ulit siya
"Wag mo kong tatakasan ha?" pahabol nya pa rin.
"Nakakainis ka na! Pababain mo ba ako o hindi?!" maktol ko na sa kanya
"Do you really have to do this?" tanong nya na naman.
"Kaori, ilang beses na natin napag-usapan ito? Paulit ulit na lang e!" asik ko sa kanya.
"Okay okay. You'll get back ha?"
"Isa pang paalala baka kalimutan ko talagang bumalik!" banta ko sa kanya.
"Oo na!" narinig ko ng tumunog ang lock. Hudyat na pwede na akong makalabas ng kotse.
Pababa na ako ng pigilan niya
"Where's my kiss?" lumapit na ako sa kanya para pagbigyan siya.
Ginawaran ko siya ng mabilis na halik sa labi nya pero mabilis nyang hinapit din ang batok ko para palalimin iyon.
Sa halik nya ako mas nagdalawang isip kung tutuloy pa ba ako. Nakakabaliw talaga siya humalik.
Nang umagwat ako sa kanya ay nagpahabol pa siya hawak sa kamay ko at pinisil iyon.
"Babalik ako, Master." nakangiting pahayag ko bago tuloyang bumababa ng kotse nya.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa restaurant.
Agad kong nakita si Kurt at dahan dahan lumapit dito."Hi Kurt!" tipid na bati ko dito.
Sinalubong nya ako at humalik sa pisngi ko. Napalingon ako sa likod ko baka nakita ni Kaori, mabuti na lang nakaalis na ang kotse niya.
"Hinatid ka ni Master Vega?" tanong nito sakin.
Ang totoo ay nagtalo pa kami ni Kaori kasi ayaw nya talaga magkipag-usap akong mag-isa pero pinilit kong ako lang kakausap kay Kurt kaya nagkasundo kaming ihahatid nya ako at susunduin.
"Oo. Kumusta ka na? Pogi na ulit ah" pag-iiba ko ng usapan.
Ngumiti naman siya ng tipid. Ang pogi din talaga ni Kurt kaso dyosa si Kaori e.
"Nakapagpagaling na din." tipid na sagot nya.
Okay, ang awkward. Paano ko i-open sa kanya yung sa amin ni Kaori ng hindi siya masyadong masasaktan?
"Estella.." tawag nya sakin at hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa.
Di ko naman magawang bawiin dahil baka ma-offend siya.
"Alam ko na hindi maganda ang huling pag-uusap natin sa personal. Pinagtaboyan kita at sinisi pero maniwala ka, pinagsisihan ko yun. Sobra sobra" napangiti ako sa sinabi nya. Yung totoong ngiti ko.
"Ayos na yun, Kurt. Naiintindihan kita. Sa maniwala ka at hindi, kahit katiting di ako nakaramdam ng galit sayo." naka ngiting saad ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng ubod ng tamis.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI