Chapter 17

395 30 4
                                    

Pag-gising ko ay nasa kwarto ko si Jelay. Naghahanap ng susuotin ko sa closet. Suot nya pa rin ang tshirt ko...

Hindi siya natulog dito pagkatapos namin mag-usap. Nagpunta siya sa kwarto niya.

Now tell me, paanong hindi ako aasa na mahal nya din ako? I know she's enjoying serving me..

Alam ko sa kabila ng mga masasamang tingin nya sakin, deep inside she loves to see my pretty face.
Sa kabila ng mga singhal nya ay yung puso nyang pangalan ko ang sinisigaw.

Naramdaman ko yun sa tuwing tumutugon siya sa halik ko, sa tuwing hinahaplos niya ako at wag nyang idadahilan sakin na nakakatulog lang siya kaya nya ako nakakatabi matulog. Alam kong sinasadya nyang matulog sa tabi ko.

Hindi ako assuming. Yun lang talaga pinaramdam niya sakin kaya alam kong akin siya.

"Gising ka na pala. Tanghali na. Bilisan mo na diyan.." hindi pa niya siguro nababalitaan ginawa ko sa hangal na si Deneb.

"Parang asawa lang ah. Don't worry, soon. Magiging asawa mo din ako." good mood na saad ko sa kanya kahit na sigurado akong bubugahan nya ako ng apoy, once dumating na sa kanya ang balita.

"Kapal mo! Hinding hindi ako magpapakasal sayo." sagot nya sakin..

I smiled evily.

"Don't say that Love. You're hurting my feelings tsaka isa pa, seryoso ako. Magiging asawa kita soon." paninigurado ko sa kanya.

"Whatever!" maarteng sagot nya na nag-roll eyes pa..

"Kumain na sila Master Kyzha at Master Carina. Maligo ka na at ihahanda ko na rin ang pagkain mo." she said habang nilalapag na sa ibabaw ng kama ko ang mga napili niyang susuotin ko.

"How about you? Have you eat?" malambing na tanong ko sa kanya. Susulitin ko na habang di pa siya nagliliyab ng galit sa akin.

"Hindi pa. Hinihintay kita magising" walang emosyong sagor nya pero alam ko nagpipigil lang siya..

"Aww. Ang sweet naman ng soon to be asawa ko.." tudyo ko sa kanya. Inirapan niya naman ako kaya tumawa lang ako.

"Okay Love, maliligo na ako. Ihanda mo na ang kakainin natin. Dyan tayo sa balcony." utos ko sa kanya. Narinig ko pa siyang nabulong

"Love mo muka mo. Napaka-bweset talaga" natatawa na lang ako. Kunwari pa yan, kinikilig yan.

Pumasok na ako sa loob ng banyo at nag shower. Paglabas ko ay nakita ko siyang nakaupo sa couch at nagcecellphone..
Si Deneb siguro kino-contact nya. Di nya macocontact yun dahil sigurado akong naka ratay sa hospital bed ngayon yun.

Di ko na siya pinansin at nag tungo sa may kama ko kung nasaan ang mga hinanda nyang damit ko.

Loose pull-over sweater stripe maroon and white. Black jeans. Black converse shoes.
After magbihis ay lumapit na ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, nagulat pa siya kaya napapitlag siya ng bahagya.

"Kain na tayo." aya ko sa kanya. Nasilip ko din sa phone nya na si Deneb nga ang tinitext nya.

"Feeling asawa ka talaga kung makahalik e!" reklamo niya sakin pero nagtungo naman na siya ng balcony para kumain kami.

Kumakain na kami ng mapansin kong parang may iniisip siya.

"What's bothering you?" tanong ko sa kanya..

"Si Kurt kasi kagabi pa hindi nagpaparamdam sakin. Medyo nag-aalala na ako." agad sumama ang muka ko sa sinabi nya.

Really? She said that in front of my face?! Insensitive.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon