Gabi na ng matapos magkwentohan ang magkasintahan na si Jelay at Kurt.
Hindi na nagpahatid pa si Jelay kay Kurt sa penthouse ng mga Orion dahil merong parte sa kanya na parang nakukunsensya siya kahit alam niya namang walang mali sa ginagawa nya.Wala namang kami ni Kaori diba? Bakit pakiramdam ko nagtataksil ako? Tanong ni Jelay sa kanyang sarili.. Bumuntong hininga na lang siya at dumiretso na sa penthouse ng mga Orion.
Malayo pa lang siya ay napansin nya na, na walang mga kotse na nakapark..
Pumasok siya sa loob at yung mga stay-in maid lang ang naabotan nya."Ate, sila Master Kaori?" tanong ni Jelay sa isa sa mga ito.
"Sila Master Lyra at Master Luna po maaga pa lang umuwi na. Si Master Vega ang alam ko sabi nya hihintayin ka daw nya pero lumabas siya kanina mga bandang hapon tapos kababalik nya lang pero sa kotse sya dumiretso at umalis. Akala ko po magkasama kayo." mahabang paliwanag nito kay Jelay.
"Ganon po ba? Sige po salamat." paalam ko dito.
Bakit naman ako iiwan ni Kaori? Hays. Wala pa naman akong kotse at hindi ko alam pano mag commute papunta dun. Nagtitipid pa naman ako kasi di ko pa nakukuha ang allowance ko for this month. - Jelay
Tinignan niya ang cellphone nya at nakita nyang ang daming miscalls ni Kaori..
"Shet!" mahinang mura ni Jelay. Naka silent kasi kanina ang phone nya kaya di nya napansin na natawag pala ito.
Binasa nya ang mga text nito at puro pagtatanong.
Slave, where are you?
Bakit wala ka sa billiard club?
Anong importanteng gagawin mo?
Why you aren't answering your fucking damn phone?!
I can't find you. Nag-aalala na ako sayo.
Don't leave me, Jillian Estella Portia! I will find you wherever you are! Susundan kita kahit sa impyerno, so don't you dare run away from me!
Napapikit na lang ng mariin si Jelay sa mga nabasa niya. Kung minsan talaga ay ang O.A. ni Kaori..
Agad nya itong tinawagan pero out of coverage area..
Pinasya niyang tawagan na lang ang nobyo nya para magpahatid sa Mansion ng mga Orion.
Medyo matagal bago ito sinagot ni Kurt.
"Hello, Kurt?" bungad nya dito pero pag-hinga lang narinig nya sa kabilang linya.
"Babe, hatid mo naman ako sa bahay ng mga Orion. Wala kasi akong pera pantaxi tapos iniwan pa ako ng bweset na si Kaori! Dala nya yung kotse." naglalambing na turan nya sa boyfriend pero pinatayan lang sya nito ng tawag..
"Eh?" nagtataka si Jelay kung bakit siya pinatayan nito.
Muli nya itong tinawagan pero di nya na macontact..
Malas naman! Baka nalowbat! Narinig nya kaya sinabi ko? - Jelay
Ilang sandali pa siyang nag-isip kung anong gagawin nya ng makita nyang may nagpark ng kotse.
Lumiwanag ang muka nya at mabilis niyang sinalubong ang bagong dating.
"Kaori!!" masayang salubong nya sa pababang si Kaori. Parang miss na miss niya ito pero nawala ang ngiti nya ng makita nya ang madilim na awra nito at masamang tingin..
"Sakay." simpleng utos nito na parang galit. Naramdaman naman ni Jelay yun pero binalewala niya.
"Hindi ako ang magddrive?" tanong ni Jelay dito habang tinutungo ang shotgun seat pero hindi siya sinasagot ni Kaori.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI