Chapter 25

432 28 21
                                    

Natulog lang kami buong hapon ni Jelay. Hindi nga sya kumain ng lunch puro lang sya tulog. Napagod ata.

I checked my phone, tawag na naman ng tawag si Rygel.

Nangungulit. Nakikipag balikan pero ilang beses ko ng sinabi sa kanya na ayuko na. Si Jelay mahal ko pero pinipilit nya na siya daw mas makakapag pasaya sakin.

Bakit ko daw pinagpalit yung mahigit dalawang taong pagsasama namin sa saglit ko pa lang nakikilala.
Aaminin ko nalulungkot ako minsan dahil sa nangyari samin pero kahit naman siguro di dumating si Jelay marerealize ko na hindi si Rygel ang mahal ko.

Tsaka wala e, tinamaan ako ng matindi kay Jelay. Ngayon ko lang talaga ito naramdaman. Yung parang pinanganak siya para sakin, yung ramdam kong siya nakatadhana sakin at kung hindi siya, dapat siya! Ipipilit ko. Sa ayaw at gusto niya.

"Diba Love?" bulong ko sa kanya na parang narinig nya sinabi ko sa utak ko..

"Alin?" sagot nya. Nabigla pa ako. Akala ko tulog siya.

"Sabi ko, mahal mo ko." hindi siya sumagot. Nanatili lang akong nakayakap sa kanya habang pinagmamasdan ang muka niya..

"Love!" pangungulit ko sa kanya.

"Oh?" naiiritang sagot nya

"Love mo ko diba?" muling tanong ko.

"Ano ba sa tingin mo?" nanghahamon na tanong nya. Nginitian ko naman siya.

"You love me." confident na sagot ko.

She smiled bitterly na pinagtaka ko.

"Don't take it for granted." i kissed her lips.

"Ofcourse not." pag-aassure ko sa kanya.
Di naman na siya sumagot. Nilalaro nya lang ang kwentas.

"Okay ka na?" malambing na tanong ko sa kanya.

"Medyo. Pero parang gusto ko pang matulog" i pinched her nose kaya napapikit siya..

"Tama na muna tulog, di na tayo nag-lunch. Time for dinner na" lambing ko sa kanya. Minsan ang cringe ko na.

Hindi naman ako sanay maglambing pero kay Jelay parang natural.

Kaso pakiramdam ko minsan nababawasan pagkatao ko.. Nahihiya ako.

"Timplahan mo ko ng kape." nakalabing ani niya tapos nag puppy eyes pa.

"Inaabuso mo ko, Love. Nahahalata ko kanina mo pa ako inuutusan." ngumuso naman siya sa sinabi ko.

"Akala ko ba ibibigay mo lahat ng gusto ko? Simpleng pagtimpla lang ng kape, di mo mabi--" i kissed her lips to shut her up.

"Sino nagsabing di ako magtitimpla ng kape? Ito na nga mag-iinit na ako."

THIRD PERSON POV

Mabilis tumayo si Kaori sa kama at nagpunta sa maliit nilang kusina na may water boiler.

Habang si Jelay ay pinagmamasdan lang ito.

Sa loob loob nya ay naiinis siya sa sarili. Hindi niya magawang tiisin ito kahit alam niyang hindi maganda ang ugali ng asawa at may mali kay Kaori. Hindi niya magawang tuloyang balewalain.

She always found herself loving her.

Nakain na sila ng dinner sa tapat ng bintana. Sinusubuan ni Kaori si Jelay dahil di daw nito kayang kumain pero ang totoo ay gusto nya lang magpalambing kay Kaori.

Gusto niya maramdaman na worth it ang pagsuko nya ng pagkababae nya dito. Gusto nya maramdaman na hindi lang puro kalaswaan ang alam nito.

So far, sumusunod naman sa kanya si Kaori.
Samantalang sa parte ni Kaori ay nakakahalata na siyang inaabuso siya ni Jelay, na parang nagdradrama na lang ito para pagsilbihan niya.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon