"Saan mo ba gusto pumunta ngayon?" masuyong tanong ni Kaori kay Jelay.
Si Jelay naman ngayon ang nawalan ng gana umalis dahil sa takot na naramdaman nya kanina dito.Para kay Kaori ang paglalambing nya kay Jelay ngayon kahit sa isip nya na may kasalanan ito sa kanya ay pagpapakumbaba na.
Samantalang para kay Jelay ay nababaliw lang si Kaori. Tinotoyo lang ito at mamaya maya ay totopakin na naman.
"Magbihis ka na, Love. Aalis na tayo" pinal na desisyon nya ng hindi makakuha ng sagot kay Jelay..
"Ayuko! Dito lang ako." tampo tampohan nito dahil hindi siya sinamahan kumain kanina.
"Jillian Estella Portia-Orion!! Kapag sinabi ko, sinabi ko! Hindi ikaw ang masusunod dito!" galit na turan ni Kaori.
Walang nagawa si Jelay kundi irapan ito at magbihis na nagdadabog.
Paglabas ay hinawakan ni Kaori ang kamay ni Jelay.
Naglalakad lang sila sa kalsada ng Pingxi at nabili sa bawat food stall na madadaan nila. Di nalalayo ang pagkain dito sa pinas.Katulad ng mga meatball soup, mga inihaw na seafoods, dumplings siomai, syempre di mawawala ang Milktea na panulak.
Nag-eenjoy naman si Jelay at Kaori.. Dala dala rin ni Jelay ang polaroid na bigay ni Kyzha kaya naman marami silang naging remembrance na dalawa.
Simple lang at kahit hindi ang pagbabangayan nila ay masaya naman, parang sila lang ang tao sa mundo,
parang humihinto ang oras para sa kanila, parang walang katapusan ang araw/gabi."Ang sarap pala ng dugo na sinabawan dito! Dapat may ganon na rin sa Pinas!" masayang turan ni Jelay sa asawa.
"Anong dugo na sinabawan? That's pig bloody jelly soup! Kahit kelan ang bobo mo talaga" pagtatama ni Kaori dito habang sinusubuan si Jelay ng inihaw na pusit..
"So? Porket inenglish mo, matalino ka na?!" bara ni Jelay sa kanya at kumagat sa sinusubo nya..
"Yun ang tamang pagtawag dun! Idiot." sagot ni Kaori habang nainom sa Milktea na hawak ni Jelay. Share kasi sila dahil hindi naman nila mauubos. Tinitikman lang nila bawat pagkain na madadaan.
Para silang mga baliw na dalawa na nagtatalo sa maliliit na bagay pero sa dulo ay makikitaan mo pa rin ng ka-sweetan sa isa't isa.
Dahil hindi sanay kumain ng inihaw si Kaori sa stick ay nadumihan ang muka nito. Maingat naman siyang pinunasan ni Jelay.
"Aww, sweet ng wife ko." natutuwang saad ni Kaori.. Nag-fake smile lang si Jelay sa kanya, gusto nya itong asarin pero sa loob loob nya ay natutuwa siya.
Ganito ang mga date na gusto niya. Lakad lakad lang kung saan mapadpad at kumain ng mga pagkain na hindi pa natitikman.
Adventurous si Jelay ang kaso lang wala siyang kasama mag-adventure. Now that she's a married woman, she's expecting na ang kanyang asawa ang makakasama sa mga adventure nya sa buhay.
"Kaori.." tawag nya dito.
Tahimik lang silang nakaupo sa labas ng isang coffee shop at nanunuod sa mga naglalakad."uhm?" sagot nito habang nahigop sa kape nya.
"Turuan mo ko humawak ng baril" biglang lingon naman si Kaori kay Jelay.
"Why do you need to learn that? May plano ka na bang patayin ako? Haha" natatawang biro nito
"Pwede rin!" ngising sagot ni Jelay dito
"Okay, but make sure if you pull a trigger on me sa puso mo ko tatamaan para hindi ko maramdaman ang pag sakit ng puso ko" seryosong sagot nito sa biro ni Jelay
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI