Kinaumagahan ay bumalik ako sa bahay ng mga Andromeda.
"DENEB LUMABAS KA DYAN!!" kalampag ko sa gate nila..
Inaawat ako ng guard nila pero nagpatuloy lang ako sa salitan na pag busina at kalampag ng gate nila.
Maya maya ay lumabas na si Deneb.
"Pasensya na Sir. Ayaw magpa-awat e" hinging paumanhin nung guard.
"Anong kailangan mo Vega?" maangas na tanong nya.
"Nasaan ang asawa ko?! Tinatago mo ba siya?" kumunot ang noo nya sa tanong ko.
"Bakit mo hinahanap si Estella?? Nawawala ba siya?" natawa ako sa sagot nya. Nagmamaang maangan pa.
"Hindi ako nakikipag lokohan Deneb. Ilabas mo ang asawa ko o makikita mo hinahanap mo."
"Hindi ko alam kung nasaan si Estella at kahit alam ko di ko sasabihin sayo. Sigurado ako na umalis sya at iniwan ka dahil natauhan na sya kung gaano ka-hudas ang pinili niya." napa igting ang panga ko sa sinabi nya..
"Gago! Hindi ako iiwan ni Jelay! Mahal niya ako." sagot ko sa kupal na si Deneb
"Talaga? E bakit mo siya hinahanap sakin?" hindi ako nakasagot sa tanong niya.
"Umalis ka na. Hahanapin ko si Estella at kapag ako unang nakahanap sa kanya. Sinasabi ko sayo, hindi ko na siya papakawalan pa" pagpapaalis niya sakin.
"Hindi mangyayari yan Deneb. Ako ang asawa niya. Kahit balik-baliktaran mo pa, sakin at sakin siya." matigas na sagot ko at pumasok sa kotse.
May tinawagan ako at pinahanap ang bahay ni Amalthea. Kung wala si Jelay kay Deneb baka nasa lola niya siya.
Mas okay na yun kaysa sumama siya sa gagong lalaki na yun baka makapatay lang ako.
Pagdating ko sa office ay nagbakasali pa rin akong pumasok siya pero wala.
"Alam mo ba kung nasaan si Jelay?" tanong ko sa isang kasama nya sa team.
"S-si Ms. Estella po? H-hindi" kinakabahan na tanong niya.
"Makinig kayo sakin!" lahat ng tao sa public relations office ay tumingin sakin.
"Kapag may nakapagturo sa inyo kung nasaan si Jelay, bibigyan ko ng promotion at isang milyon kahit lima pa o sampu! Basta ituro nyo lang sakin kung nasaan ang asawa ko!" bakas sa muka nila ang gulat sa sinabi ko.
"Hindi kayo nagkakamali ng rinig. Asawa ko si Jillian Estella Portia kaya kung sino man nakakaalam kung nasaan siya, magsabi na sakin." pinagmamasdan ko lang sila.
May isang nakapukaw ng pansin ko. Nakatingin siya sakin at parang may gustong sabihin.
"Ikaw! May sasabihin ka ba?!" tinitigan ko ang babaeng di katangkaran.
"S-si Ms. Estella po, l-last na usap namin kahapon nakasalubong ko siya p-palabas ng building. Umiiyak po siya." si Jelay umiiyak?
Sobrang dalang kong makitang umiyak si Jelay. Mas madalas pa akong umiyak kaysa sa kanya.
Kung ganon ay labis nga syang nasaktan."Go to my office." utos ko sa kanya at nauna ng maglakad pa punta sa opisina ko.
"Alam mo ba kung bakit siya umiiyak? Anong napag usapan nyo? Sabihin mo sakin lahat ng alam mo" agad na tanong ko sa kanya.
"Nagmamadali siya kahapon lumabas ng building pero sabi nya sakin hindi na daw siya babalik dito.. Tsaka po, nung nagkukwentuhan ang mga ka-officemate namin tungkol sa inyo ni Sir. Rygel narinig ni Ms. Estella yun. Matagal ko ng alam na mag-asawa kayo dahil galing ako sa Orion University.. Kaya ng makita kong narinig ni Ms. Estella yun, alam kong nagselos po sya. Simula din kasi nun lagi po siyang tulala at nagbago siya, hindi na siya yung masayahin na Estella. Yun lang po alam ko." mahabang litanya nito.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI