Chapter 41

413 29 6
                                    

KAORI VEGA ORION

Ang saya pala talaga kapag ikaw ang pinili. Yung hindi mo pinilit. Yung kusa lang..

"Bakit ka nangingiti dyan?" tanong niya sakin habang parang may hinahanap sa closet.

"You love me." sagot ko sa kanya.

Pinili nya ako kaysa sa Deneb na yun, so ibig sabihin mahal niya ako.

"Di nuh!" matigas na pagtanggi nya.

"But you choose me over your ugly ex" giit ko sa kanya.

"Mas mayaman ka kasi kaya ikaw pinili ko" nang-aasar na sagot nya.

"I guess, i should be thankful to my ancestor. Dapat siguro patayuan ko pa sila ng templo." balik sagot ko sa kanya.

Kung kayaman ko ang dahilan bakit pinili ako ni Jelay, it's okay. I will be still thankful. Ang mahalaga sa akin ay nasa tabi ko siya, hindi ko na iisipin kung bakit o paano. Basta kasama ko siya, okay na ako.

"Ikaw ata Master ang inlove na inlove sakin" lumingon siya saglit at nginitian ako ng nakakaloko.

"Dream on, Jillian" balik pang-asar ko sa kanya

Hindi na siya sumagot sakin at parang kinakabahan siyang lumingon sakin..

"Why?" tanong ko dito

"Master.." malungkot ang boses nya na parang nag-aalinlangan.

"Bakit ganyan itsura mo?" muling tanong ko

"Nawawala yung wedding ring!" bulalas nya.

Mabilis na kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Are you serious?!! Do you want a divorce?!" nabwebweset na tanong ko sa kanya

"Kaya mo?" mapanghamon na tanong nya. Napatahimik naman ako.

"Napaka bobo mo naman Jillian! Bakit mo winala?" naiinis ako! Wedding ring yun!

"Ehh.. Hindi ko sinasadya.." nakalabing sagot nya.

"Saan mo ba nilagay?" tanong ko sa kanya at nagsimula na rin maghanap sa drawer.

Napapitlag pa ako ng bigla nya akong halikan sa pisngi..

"Hindi ito oras ng paglandi, Jelay! Naiinis ako!" maktol ko sa kanya..

"Grabe sa landi ah?" natatawang ani nya.
Nagagawa nya pang matawa na nawawala ang wedding ring namin? How careless she is! Di nya ata iningatan! Wala siguro kasing halaga yun sa kanya. Nagngingitngit na saad ko sa sarili ko.

"Baka dito ko nalagay, Master" ani nya. Habang naghahanap din..

Nagtataka naman ako na sa bawat hawakan ko ay hinahawakan din ni Jelay parang sinasadya nyang mahawakan ng kamay nya ang kamay ko.

Hanggang mapadako ang tingin ko sa kamay nya..

Kuminang ang gintong bakal na suot ni Jelay sa kanyang daliri.
Napahinto ako. I lost for words.

Ghad! She's wearing our wedding ring!!

"Napansin mo rin! Haha" natatawang ani nya..

Habang natawa siya ako naman ay naluluha. She finally wear it!!

"Do you like it?" nakangiting tanong nya habang pinapakita sakin ang kamay nyang may suot ng singsing.

"N-no." garalgal na sagot ko.

"I love it, love." ani ko at mabilis siyang niyakap ng mahigpit.

"I'm glad to know it. I love it too, Master." sagot nya sakin at pinugpog ako ng halik sa muka.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon