KAORI VEGA ORION
Pagkatapos ko maligo ay nagtaka akong tahimik ang paligid.
Nagpupunas ako ng buhok ng mapansing wala si Jelay."Wife?" tawag ko dito pero hindi nasagot.
Pumasok ako sa kwarto pero cellphone ko lang ang naabutan ko.Nakaramdam agad ako ng kaba.
"Love??" muling tawag ko dito at pumunta sa living area. Wala din siya dun.
"Jelay?!" kinakabahan ng tawag ko dito.
Hindi nya naman siguro ako iniwan diba?
Mahal niya naman ako diba?
Hinalughog ko ang buong unit pero di ko nakita si Jelay. Lumabas ako at hinanap siya pero di ko siya matagpuan..
"Miss, may nakita ka bang babaeng matangkad? Mga 5'7" yung height. Maganda siya na medyo curly hair, singkit ang mata." kausap ko sa babaeng nakasalubong ko.
Syempre, in mandarin pagkausap ko sa kanya pero wala daw siyang napansin.
"Tang-ina, Jelay! Nasaan ka na ba?!" nafrufrustrate na ako.
Tinawagan ko si Lyra para humingi ng tulong.
"Lyra, si Jelay nawawala." saad ko agad sa kanya pagkasagot nya ng tawag.
"What?! Kumalma ka nga. Paanong nawawala?" pinaliwanag ko sa kanya ang nangyari.
"Naligo lang ako paglabas ko, wala na siya. Lyra, baka tinakasan niya ako!" naluluha na ako.
Napupuno ng takot ang puso ko..
"Magpapadala ako ng tauhan diyan. Kumalma ka. Baka nagpahangin lang sa labas yun." sagot ni Lyra.
"Lyra!! Hindi yun lumalabas ng wala ako! Baka may kasama siya? Baka may nagtakas sa kanya! Lyra, hindi ko alam ang gagawin ko o kaya kong gawin kapag nawala siya!" hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Tuloyan na akong napaiyak.
"Ssshh.. Wag kang mag-isip ng kung ano ano. Yan ang mahirap sa nakuha mo siya sa hindi tamang paraan. Puno ka ng takot na iwan ka nya. Madali mo siyang nakuha kaya kabahan ka na baka isang iglap nga, mawala din siya sayo." nanghihina akong napaupo sa couch. Tuloy tuloy lang ang pag-agos ng luha ko.
"Papunta na dyan mga tauhan natin. Kumalma ka na." sa sinabi ni Lyra ay pinatay ko na ang tawag. Pinunasan ko ang luha ko.
Sakto namang narinig kong nagbukas ang pinto.
"MY GHAD!! SAAN KA GALING?!" nabunot lahat ng tinik sa puso ko ng makita ko siya pero andun pa rin ang kaba.
"Sa garden. Nagpahangin." walang muwang na sagot nya.
My ghad! She don't have any idea what i've done.
"TANG INA! SA SUSUNOD MAGPAALAM KA SAKIN?!!" hindi ko maiwasan ibuhos ang takot na nararamdaman ko.
Hindi naman siya nakasagot at narinig namin ang mga pagkatok sa pinto.
Andito na ang mga tauhan na pinadala ni Lyra. Pinaalis ko lang ang mga ito.
Paglingon ko ay may kausap sa phone si Jelay."Hello?" sagot nya dito.
"Andito sa unit, kasama si Kaori." sagot nya sa kausap.
"Oo." muling sagot nito at tumingin sakin.
Hindi na ako naghintay pa ng matagal. Gusto ko na siyang makausap kaya hinablot ko na sa kanya ang phone nya at pinatay ang tawag. Nakita ko pang si Lyra ang kausap nya pala.
"Bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam sa akin?!" konpronta ko agad sa kanya
"S-Sorry. Nagpahangin lang ako. N-Naligo ka pa kasi." kinakabahan na sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI