Pagdating ko sa Mansion ng mga Orion ay dumiretso na ako ss kwarto namin ni Kaori. Laking gulat ko ng makita ko siyang nakaupo sa may sofa.
"Ang aga mo ata ngayon" nagtatakang pahayag ko.
Tumingin siya sa relo niya at sunod na tumingin sakin.
"Hindi ako maaga, sadyang ginabi ka na. Saan ka galing?" seryosong tanong niya
"Kumain ng dinner sa labas." tipid na sagot ko at nagtungo sa closet.
"Alas onse na. Nag dinner? Saan ka kumain at inabot ka ng ganitong oras?" halata sa boses nya na naiinis siya.
"Natraffic lang. Sa makati ako galing kasi. Bakit parang nagagalit ka? Ngayon lang naman ako ginabi ng uwi" sagot ko sa kanya.
"Sino kasama mo mag-dinner?" muling tanong niya.
"Ang lola ko." tipid na sagot ko.
"Lola? You mean si Amalthea Bellatrix?" tumango ako sa tanong nya at dumiretsong banyo para mag shower.
Bago ko pa isara ang pinto ay nasundan na ako ni Kaori sa loob ng banyo.
"Nag uusap pa tayo, bakit tinatalikod talikuran mo lang ako?" halata sa muka nya ang galit.
Oh my ghad! Siya ba talaga ang Kaori na minahal ko?
Oo nga pala. Ganyan naman talaga ang ugali niya pero nagbulag bulagan lang ako.
"Bakit ka nagagalit?" kalmadong tanong ko sa kanya.
"Paano ako di magagalit? Anong oras na ngayon ka lang umuwi tapos kinakausap kita parang wala lang sayo. Kung ano ano ginagawa mo." galit na turan nito.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Okay, Sorry. Ano ba gusto mo?" tanong ko sa kanya para di humaba ang usapan
"Bakit ka nakipag-kita sa Lola mo? Akala ko ba ayaw mo." taas kilay na pahayag nito.
"Inaya lang ako mag Dinner ni Kurt. Hindi ki alam na andon pala si Senyora Amalthea. Nag--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Napapitlag ako sa lakas ng boses ni Kaori
"Kurt?! You mean that Deneb?!! Pumayag ka na makipag dinner sa gagong yun?!" sa reaksyon nya ay di ko maiwasan mainis. Sa tono ng pananalita nya ay parang pinagtataksilan ko siya.
"Magkaibigan lang kami ni Kurt. Di ako napunta sa condo nya at di kami nagbabakasyon ng kaming dalawa lang." pasaring ko sa kanya.
"May pinupunto ka ba, Jillian?" seryosong tanong nya habang nakatitig sakin.
"Wala naman. Sinabi ko lang na magkaibigan lang kami ni Kurt. Wala kaming ginagawang masama." sagot ko sa kanya. Hindi naman siya naka-imik sa sinabi ko.
"Okay na? Tapos ka na mag tanong sakin Master? Pwede na ba akong maligo?" sarcastic na tanong ko sa kanya..
"Bilisan mo. Mag-uusap pa tayo." pahayag nya at lumabas ng banyo.
Dahil sinabi nyang bilisan ko ay lalo kong tinagalan. Bahala siyang mabweset kakahintay sa akin.
Nang makalabas ako ng banyo akala ko nakabusangot na muka nya ang sasalubong sakin. Akala ko mapipikon siya sa ginawa ko pero di hamak mas magaling siya mamikon.
Sabi nya mag-uusap kami pero mahimbing na syang natutulog. Ang galing lang.
Kinaumagahan, syempre nagising akong wala siya.
Nag ngingitngit na talaga ako. Di ko na kaya! So pumasok ako sa office, gusto kong sugurin ang magaling kong asawa!Deri-deritso lang ako. Haharangin pa sana ako ng secretary nya pero mabilis akong pumasok sa loob. I stopped and get stunned.
Kaori and Lance facing each other. So close and Lance cupping her face and about to kiss.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI