Chapter 49

381 25 3
                                    

KAORI VEGA ORION

Hindi tumutol si Jelay sa sinabi ko pero di rin siya sumang-ayon. Hindi siya sumagot kaya inisip ko na lang na pumapayag siya.

Inalok ko siyang ihatid pauwi sa kanila at pumayag naman siya. Gusto kong ngumiti pero baka isipin nya na masyado akong natutuwa at bawiin niya kaya kinimkim ko na lang sa loob ko ang saya na naramdaman ko.

"Pwede ba kitang puntahan sa office mo?" tanong ko sa kanya bago siya bumaba ng kotse.

"Nagtratrabaho ako kapag nasa office" tipid na sagot nya.

"Ibig kong sabihin kapag uwian? Dinner?" giit ko sa kanya

"Malayo ang QC sa Makati." kontra nya na napangisi ako.

"Nagagawa ko nga yun for the past almost 6 months" sagot ko sa kanya.

Kahit naman hiwalay kami pinupuntahan ko siya. Makita ko lang siya masaya na ako. May mga pagkakataon lang na nasasaktan ako kapag nakikita ko silang magkasama ni Deneb.

Mga pagkakataon na yun gusto kong sugurin si Deneb pero wala na nga pala akong karapatan kaya uuwi na lang ako. At babalik na lang kinabukasan.

Dun ko naisip na dati na siyang nasa akin pero pinakawalan ko.

"Ikaw ang bahala." sagot nya.

Akmang bababa na siya ng mabilis kong pabuksan siya ng pinto..

Nagulat pa siya sa ginawa ko. Kaya nginitian ko ulit siya.

Papasok na siya sa loob ng gate ng muli ko siyang tawagin.

"Love!" nahinto siya sa paglalakad pero di niya ako nililingon.

"Thank you" pahabol ko sa kanya.

Tuloyan na siyang pumasok sa loob.
Habang nasa biyahe ay di ko maiwasan mapangiti.

Pagkatapos ng limang buwan ngayon lang ako nagkalakas ng loob lapitan siya.

Ang dami kong narealize ng mawala siya sakin. Naisip ko lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa kanya pero tinanggap niya pa rin ako, minahal niya pa rin ako pero sinayang ko lang yun.

Kahit lagi ko siyang nasasabihan ng kung ano anong masasakit na salita inintindi nya iyon, pati ang hindi ko pagiging romantic pinalagpas niya.

Naisip ko kung ako nga nasa sitwaston ni Jelay at ginagawa niya ang ginawa ko para kay Rygel, siguradong mag-ngingitngit ako sa galit. Una pa lang di na ako papayag pero siya inintindi niya ako kaso nagkulang ako sa kanya.

Ang dami kong pagkukulang sa kanya. Hinahayaan ko siyang kumain mag-isa, hinahayaan ko siyang makatulog kakahintay sakin at gigising ng wala sa tabi niya.

Madalas ay siya pa napagbubuntunan ng init ng ulo ko kapag pagod ako. Sobrang sama kong asawa sa kanya, tama lang na hiniwalayan niya ako.

Hindi ko rin maiisip lahat ng ito kung hindi kami maghihiwalay kasi bobo ako.

Pero simula ng mawala siya ay para na akong nabuhay sa yelo. Ang lamig lamig ng pakiramdam ko. Ang hirap matulog ng wala ang yakap niya. Ang hirap gumising na wala sya sa tabi ko. Hirap na hirap akong magtrabaho, isipin ko pa lang kung para kanino ko ba ginagawa yun?

Nawalan ako ng inspirasyon.
Nawalan ako ng lakas.
Nawalan ako ng buhay.

Sa aming dalawa ni Jelay, siya talaga ang mas malakas.

If Samson has Delilah and Superman has kryptonite.. I, Kaori Vega Orion has Jillian Estella Portia.

Ngayon ay umaasa ako na hindi pa huli ang lahat. Na makapag-umpisa kami ng bago. Hindi ko na siya papakawalan pa.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon