Chapter 13

406 29 4
                                    

KAORI VEGA ORION

"Jelay, break na kami" napahinto siya sa pagkanta dahil sa sinabi ko.

"B-Bakit? Nahuli mo ba siya nambabae?" nauutal na tanong nito.

"Hindi. Nagbreak kami dahil sa akin" pag-amin ko

"Dahil sa video natin?" muling tanong nito

"Last week pa kami nagbreak."

"P-pero pumupunta pa siya dito nung isang araw.." tumawa naman akong pagak.

"Kasi gusto nya makipag-balikan pero ayuko na."

"Bakit?"

Kasi hindi ko pala talaga siya minahal o hindi ko siya minahal ng higit sa pagmamahal ko sayo.

Kailanman hindi ko naramdaman sa kanya na para akong mababaliw kapag hindi siya nakita. Na natotorete ako kapag andiyan siya. Hindi ko rin naramdaman noon na gusto ko akin lang siya, gusto ko alam ng lahat yun. Hindi ko yun naramdaman sa kanya.

Sayo lang Jelay.

Akala ko dahil sa halik lang yun kaya nanibago ako o natuwa lang kaya sinubukan ko kay Rygel pero wala. Wala akong maramdaman kapag sa kanya.

Hindi katulad kapag sayo Jelay.. May mga nagkikilitian sa tiyan ko at may mga naghahabolan sa puso ko. Hinahanap hanap ko na halos hindi ako pinatulog ng ilang buwan nung unang maglapat ang mga labi natin.

Kaya minabuti kong magpakatotoo sa sarili ko at tapusin na ang samin ni Rygel.
Hindi na mag-wowork ang relasyon namin kung wala na akong ibang maisip kundi ikaw.

Yan sana gusto ko sabihin kay Jelay pero natotorpe talaga ako pagdating sa kanya kaya dinadaanan ko na lang sa pagpapansin.

"Basta" simpleng sagot ko sa kanya.

"Siguro sobrang lungkot mo. Sabi sakin ni Kyzha, inlove na inlove ka daw dun e." malungkot na saad nito..

Kung alam mo lang Jelay. Akala ko rin dati siya na e. Pero komportable lang pala ako sa kanya.

Iba kapag mahal mo kahit magulo, pipiliin mo.

Sinubukan ko naman pigilan. Sinubukan kong balewalain. Kaya nagagalit ako ng una kasi hindi ko matanggap ang nararamdaman ko.

Bakit sayo? Babae ka tapos may boyfriend ako pero bakit iba ang nararamdaman ko makita pa lang kita o kahit marinig ko pa lang ang pangalan mo para na akong hinahabol ng leon.

Dahil sa pagpigil ko, lalo lang kumuwala. Ang akala kong gusto lang kita pahirapan dahil tinanggihan mo ko ay mali pala.
Ginawa ko pala lahat ng yun para mapansin mo.

"Wag ka na malungkot, Kaori.. *sniff *sniff" nagulat ako sa narinig ko kaya nilingon ko siya at nakita kong naiyak siya..
Tuloyan na akong humarap sa kanya..

"Why are you crying?" kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang mga luha sa mata niya..

"Kahit ang sama sama mo sakin, ayukong nasasaktan ka Kaori." sagot nya sakin at niyakap ako ng maghigpit.

Siniksik nya ang kanyang ulo sa may dibdib ko.
Kinabahan naman ako dahil baka marinig nya ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Sshh.. Ayos lang ako." sagot ko sa kanya.

Hindi naman ako gaanong nasaktan sa break-up na yun dahil yun ang gusto ko. Mas nasasaktan nga ako kapag sinasabi nyang hindi nya ako magugustohan. Na yung Kurt na yun ang gusto nya..

"Dapat nga matuwa ka kapag nasasaktan ako kasi nakakaganti ka sakin." pag-aalo ko

"Hindi naman ako masama kagaya mo!" sagot nya na natawa ako..

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon