Chapter 33

378 27 12
                                    

"Bakit umiinom ka na naman?" mataray na tanong niya sakin. Pagkatapos namin kumain ay tumambay na ako dito sa balcony at uminom ng beer.

Di ako sanay sa alcohol content ng beer dito sa Taiwan kaya parang tinatamaan na ako.

Hindi ko siya inimik sa tanong niya.

"Hello?! Multo na ba ako na hindi mo ko nakikita?" tanong nya na kinaway kaway pa ang kamay sa harap ko.

Nakatingin lang ako sa malayo. Mga maliit na ilaw mula sa gusali nakikita ko.

"Kaori.." sinusundot niya ako sa tagiliran para pansinin ko siya.

"Leave me alone." walang emosyong pahayag ko.

Dahan dahan naman siya umalis sa tabi ko at pumasok sa loob.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Napatingala ako sa langit. Is it just me or the skies are really dark? parang kulang ng stars.

Napapitlag ako ng maramdaman kong may kung anong pinatong sa balikat ko.
Pagtingin ko ay jacket iyon na pinatong ni Jelay.

"Wag kang masyadong papakalasing, aalis tayo bukas ng maaga diba? Tsaka wag ka na magtagal dito, baka lamigin ka" saad niya bago ako muling iwan.

Why she's like that?

She's the one i'm looking for and i've waited all my life.
Now tell me, How will i let her go if i feel like she's the one for me.

Niyakap ko sa katawan ko ang jacket na binigay niya.

-

Kinabukasan ay hindi kami natuloy alis dahil sa hang over ko. Akala ko magagalit siya sakin pero inalagaan niya lang ako.

Mag damag kaming tahimik na nanuod sa laptop ng Netflix. Wala naman akong maintindihan dahil masakit pa ang ulo ko.

"Kaori, gusto mo maglakad lakad sa labas?" aya nito sakin.

Hindi ko pa rin siya pinapansin simula kahapon. Hindi ko pa kaya.

Bakit kasi ganon? Bakit ganito nararamdaman ko? Dati naman kay Lance wala akong pake.

Nahuli ko pa nga yun nakikipaglaplapan sa kotse niya pero ayos lang. Kasi sabi nya hindi ko maibigay ang mga ganong bagay sa kanya, e pangangailan daw ng lalake yun. So pinabayaan ko siya.

Hindi bigdeal sakin mga ganong bagay pero kay Jelay. Mahawakan pa lang siya ng iba, may kung ano na sa puso ko na kumikirot.

And that Deneb boy really has a guts to sneak behind my back.

Jelay is mine. No one can take away her from me.

Yung black label na hindi namin naubos ng isang gabi naman ang pinagdiskitahan ko. Umiinom ako para pagkatapos nito deritso tulog na ako at wala na akong maisip pang iba.

Muling lumapit si Jelay at naupo sa katabing bean bag ko.

"May problema ba tayo, Kaori?" mahinahon na tanong niya pero di ko siya inimik.

"Kahapon mo pa ako hindi pinapansin." dugtong niya pa.

"Mind your own business." tipid na sagot ko.

Masama pa rin loob ko sa kanya.

She's cheating on me.
I'm giving everything to her. Ano pa ba kulang? Sobra na pagbaba ko ng pride ko pero parang tinatapak tapakan nya lang iyon.

Sa sinabi ko ay iniwan niya na ako. What do i expect? Na susuyuin nya ako? Ha-ha-ha

Napatawang pagak na lang ako.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon