"Slave!" tawag ni Kaori kay Jelay ng maupo agad ito sa driver seat..
"Ano?" iritang sagot nito.
Hindi sumagot si Kaori at tinitignan lang ang pinto ng shotgun seat.
Bumuntong hininga si Jelay para pigilan ang pagkapikon dito.Walang nagawa si Jelay kundi pagbuksan ito ng pinto..
"hehe" tumatawang saad ni Kaori at nginitian ng ubod ng tamis si Jelay. Inirapan lang naman siya nito at padabog sinara ang pinto.
Muling pumasok na si Jelay sa driver seat at ng papaandarin nya na ang sasakyan ay pinigil siya ni Kaori.
"Wait, Slave!" nilingon nya naman si Kaori at binigyan ng nakakamatay na tingin.
"Ano na naman?!" asik sa kanya ni Jelay.
"Seatbelt. Hehe" simpleng sagot nito
"What?! Wala ka bang kamay?" asar na tanong ni Jelay
"Bilisan mo na, Slave. Malalate ka na." balewalang utos nito.
Nagtanggal ng seatbelt si Jelay at lumapit kay Kaori para kabitan ito ng seatbelt. Medyo nangatog pa si Jelay ng maamoy nito ang mabangong hininga ni Kaori..
"Bagal naman, Slave. Gustong gusto mo talaga ng ganito kalapit sa akin ah." biro ni Kaori sa kanya.
Tinitigan nya naman ito na hindi dapat dahil nakatingin din pala ito sa kanya at sobrang lapit nila sa isa't isa. Mabilis siyang napatingin sa mapupula at mahugis na labi nito.
Shit, Jelay! Anang nya sa sarili at napakagat labi. Na-lock nya na ang seatbelt at mabilis nag-ayos ng upo.
"Ayan! Okay na.. May gusto ka pa ba, Master?!" nakatingin lang si Kaori kay Jelay.
"Oo, ikaw." biglang pag-seryoso ng boses nito.
"Nice joke!" saad ni Jelay at nagsimula ng magdrive.
Natulog lang si Kaori habang nasa biyahe. Napapasulyap naman si Jelay dito.
"Mukang anghel kapag tulog. Sana lagi ka na lang tulog.." mahinang bulong ni Jelay.
*
Nang makarating sa school ay si Jelay pa rin ang nagtanggal ng seatbelt ni Kaori at nagbukas ng pinto para dito.
"See you at lunch, Slave! Ipagluluto moko." nakangiting saad ni Kaori
"Sige! Lalagyan ko ng lason para tapos na problema ko." banta ni Jelay at nagdadabog na umalis patungong locker nya.
Pagkasara nya ng locker ay nakita nya sa di kalayuan si Lance na may kasamang babae.
Naka-akbay siya sa babae at nakapulupot naman ang kamay ng babae sa bewang nito."Fuck!" mariing mura ni Jelay.
Hindi katangkaran ang magandang babae. Muka din itong may lahi at pamilyar ang muka niya kay Jelay parang nakita niya na kung saan.
Kahit ayaw ko naman kay Kaori. Ayuko ng gagagohin siya ng iba! Inis na saad ni Jelay sa sarili.
Nang-gigigil siyang lumapit sa mga ito.
Sabay naman tumingin ang dalawa sa kanya paghinto nya sa harap ng mga ito.
Tinitigan nya ng masama si Lance."Hi! Diba ikaw yung girlfriend ni Master Vega? " masayang tanong ng babae kay Jelay pero binalewala nya yun.
"Alam mo bang may girlfriend na yang kasama mo?" deritsong tanong ni Jelay dun sa babae. Ayaw nya na magpaligoy ligoy pa.
"Estella!" suway ni Lance dito.
"What? Ayaw mo bang malaman nya?" mataray na tanong nito.
"Wala akong girlfriend. Let's go, Ash!" mabilis na hinatak ni Lance ang babaeng kasama palayo kay Jelay.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI