JILLIAN ESTELLA PORTIA
Ginising ko si Kaori kasi sobrang lamig. Sumiksik ako sa katawan niya. Naramdaman ko naman ang paghaplos ng kamay nya sa likod ko kaya nakaramdam na ako ng init.
"Masyado kang lamigin, Love." puna nya sakin..
"Ikaw nga masyado kang mabilis mag-init." sagot ko agad sa kanya.
"Haha pano mo nalaman?" natatawang tanong nya habang naglalakbay ang kamay sa likod ko.
"Nararamdaman ko." sagot ko sa kanya.
Ang bango ni Master. Ang sarap amoy amoyin."Nag-iinit ka na ba?" double meaning na tanong niya..
"Ssshh. Matutulog pa ako." pambabara ko sa kanya.. Alam ko san papunta ang usapan kapag di ko inawat.
At dahil marupok ako malamang papayag na naman ako sa gusto niya kapag naumpisahan nya na.
"Don't you want morning grind, wife?" nang aakit na naman na tanong niya.. Naramdaman ko na rin ang labi nya sa leeg ko.
"Kaori.. Stop." awat ko sa kanya dahil inaantok pa ako talaga.
I just want to cuddle with her.
Sakto naman na tumunog ang cellphone nya. Kinapa nya yun sa may ulunan nya."Good morning, Sis!" narinig kong boses ni Carina..
"Morning." sagot ni Kaori dito
"Tulog si Bebe Estella?" tanong naman ni Kyzha. Dahil nahihiya akong sumali sa usapan nila at kitang kita nila gaano ako makayakap kay Kaori ay nagtulog tulogan na lang ako para may excuse.
"Oo, puro tulog nga kaya ang laki laki." muntik ko ng kurutin si Kaori sa sinabi nya buti na lang naalala kong tulog nga pala ako.
"Baka pinapagod mo! Haha" ayan na naman mga green joke ni Carina..
"Shut up, Lyra!" pikon na saad ni Kaori
"Maka-react akala mo di nila ginawa. Hahaha" nang-aasar pa rin na biro ni Carina kay Kaori. Di ko naman siya naririnig nagsasalita.
"Igala gala mo naman sa Taiwan si Bebe Estella. Diba diyan shinoot ang Meteor Garden original version?" narinig kong tanong ni Kyzha.
Sa totoo lang nung nabanggit ni Kaori na pupunta kaming Taiwan, si Dao Ming Si at si Shancai ang naisip ko. Hehehe
Sabi ni Mommy sakin, pinaglihi niya daw ako kay Shancai nung pinagbubuntis niya ako kaya siguro humahawig ako minsan kay Shancai. Kaso pati pagkakagusto sa masamang ugali, nahawa ako sa Shancai."Wag nyo nga akong pinapangunahan!" singhal ni Kaori sa kapatid. Maldita talaga.
Hindi talaga kami magiging normal couple kasi abnormal si Kaori.
"Maiba tayo. Nakalabas na daw ng Ospital yung Deneb. Nasa bahay na daw nila nagpapahinga at nagpapagaling ng tuloyan." sa sinabi ni Carina ay dun ko naalala si Kurt.
Oo nga pala, nasa ganitong sitwasyon ako dahil sa kanya.
Habang siya nahihirapan, ako nagpapakasaya sa piling ni Kaori.Lumuwag ang pagkakayakap ko kay Kaori ng maisip ko yun.
Bigla akong nakunsensya. Ang sama ko sa part na yun."Let's not talk about him. I'm nit interested." walang ganang sagot ni Kaori. Alam kong, alam niyang gising ako at nagtutulog tulogan lang.
"Okay." tipid na sagot ni Carina.
Wala na sa pag-uusap nila ang isip ko kundi na kay Kurt na. Kung si Kurt siguro kasama ko dito, gumagala na kami kung saan tapos kumakain ng kung ano ano.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI