Limang buwan na ang nakalipas. Wala akong balita kay Kaori o mas tamang sabihing hindi ako nakibalita. Dumaan ang birthday niya, pasko at bagong taon na wala kaming naging pag-uusap simula ng mag divorce kami.
Oo, hiwalay na kami. Dahil sa Taiwan kami kinasal ay dun din kami nagfile ng divorce paper na parang pagbili lang pala ng candy, wala pa atang isang oras ay hiwalay na kami. Ganon ganon lang, hiwalay na kami.
Binuhos ko na lang ang oras ko sa pagtratrabaho para sa company ni Lola. Siya ang karamay ko ngayon. Kinakamusta pa rin naman ako ni Carina at Kyzha, hindi ko naman sila nilalayuan. Kami lang ni Kaori ang nag-hiwalay hindi sila kasama dun tsaka tinuring ko na rin sila na tunag na pamilya ko, naging mabuti sila sa akin.
Si Kurt ay nagkikita pa rin kami dahil sa trabaho pero hanggat maaari iniiwasan ko siya, lalo na't alam niyang hiwalay na kami ni Kaori baka iba isipin niya. Ayuko.
Ngayong gabi ay magkakaroon ng Party si Lola. I-Announced nya daw kasi na ako na magiging tagapagmana ng kayaman ng Bellatrix.
Sa nakalipas na buwan at pagsasama namin ng Senyora, pinakita nya sakin na nagsisisi talaga siya. Bumawi siya sa mga pagkukulang niya sa akin. Wala akong masasabing masama sa mga pinapakita nya ngayon, ibang iba na talaga siya ngayon.
"Iha, handa ka na ba?" tanong nito sa akin.
"Opo, Mommy" sagot ko dito.
"Sana maging masaya ka ngayong gabi, Apo" makahulogang pahayag nito.
"Lagi naman po akong masaya" nakangiting sagot ko dito.
Binigyan nya ako ng ngiti at inaya ng umalis.
Sa isang hotel kasi gaganapin ang party.Hindi ko alam pero para akong nakakaramdam ng kaba habang nasa loob kami ng kotse papunta sa venue.
Napahawak ako sa kwentas na suot ko.Ang kwentas na bigay ni Kaori.
Hindi ko rin alam bakit sinusuot ko pa ito, dapat nga sinuli ko na rin ito sa kanya. Lalo na't hiwalay na kami.Pagdating namin sa venue ay marami ng tao. Pinakilala ako ng Senyora sa mga kakilala niya. Halos mga ka-edaran nya yung iba at mga anak na rin ng mga ito ang naging successor.
Some guys are hitting on me pero wala pa dun ang puso ko talaga. Ayuko muna.
"Estella!" napalingon ako sa tumawag sa akin..
"Kurt! Ang pogi natin ngayon ah" puna ko sa kanya.
Naka-tuxedo kasi siyang kulay purple na may white long sleeve sa loob at bowtie na purple din. Ang ganda ng kulay nito na bumagay sa kanya, he really looks manly and fashionable.
"Lagi naman! Haha" natatawang sagot niya..
"Yabang!" biro ko pa. Nag pogi pose lang siya kaya tinawanan ko lang.
"Bigatin ka na ngayon! Akalain mo yun? Dati nililibre lang kita ng kwek kwek hahaha" tumatawang saad pa rin nito
"Oo nga, ngayon ko lang narealize. Ang kuripot mo pala! Kwek kwek lang nililibre mo sakin" natatawang bwelta ko
"Sus! Kung dinala kita sa mamahaling restaurant nun, hindi ka papayag! Ikaw pa ba?" saad nya na nagpangiti sa akin.
"You truly know me. Ikaw talaga ang bestfriend ko!" pahayag ko na nagpa seryoso ng muka niya.
"Bestfriend pa rin ba, Estella? Hind ba pwedeng higit pa dun? Single ka naman na. Single pa rin ako na naghihintay sayo." deritsong pahayag nito
"Kurt.. Alam mong kagagaling ko lang sa hindi magandang relasyon. Hindi pa ako handa. Hindi ka ba masaya na magkaibigan tayo?" tanong ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI