Chapter 43

351 29 5
                                    

"Are you okay?" tanong ko kay Kaori habang minamasahe ang ulo niya.. Pakiramdam ko somethings bothering her.

"Wala. Napagod lang siguro ako sa dami ng trabaho kanina" sagot nya sakin at dinala ang ulo ko sa may dibdib niya.

"Hindi ka ba nabibigatan sakin?" tanong ko sa kanya.. Nakapatong kasi ako sa ibabaw nya. Lagi naman pero kasi pinahiga nya ako ngayon sa kanya kaya buong bigat ko nasa kanya na.

Umiling lang siya sa tanong ko at sinuklay suklay ang buhok ko gamit ang kanyang kamay.

"Love, hindi ka selosa nuh?" biglang tanong nya.

Gusto kong matawa sa tanong nya.. Ako hindi selosa? Tsk. Akala nya lang. Hahaha

"May dapat ba akong ikaselos?" balik tanong ko sa kanya

"Syempre wala!" mabilis na depensa nya sa sarili.

"Yun naman pala eh." sagot ko at bumaba mula sa kanya, baka kasi nabibigatan na siya.

"Wala ka naman talaga dapat ikaselos, kasi ikaw lang at wala ng iba." saad nya habang hinahalikan ako sa noo.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Eh bakit mo natanong?" malambing na tanong ko sa kanya.

"You know? I can't help thinking about Rygel situation. I felt like he needs me." sa sinabi nya ay lumuwag ang yakap ko..

"As his bestfriend, Love. He needs someone who will be there for him. Dati ng iwan siya ni Leilani ay nandun ako para damayan siya. I guess, walang ibang gagawa nun kundi ako." dugtong pa nya.

Oo nga. Andun siya bilang GIRLFRIEND. Hindi ko alam ang isasagot ko kay Kaori. Alam ko ano ibig sabihin ng sinasabi nya.

"Hindi ka naman magseselos diba? Naiintindihan mo naman ako kung tutulongan ko si Rygel."

Kapag sinabi kong hindi, magmumuka akong immature na asawa. Kapag umuo naman ako, binibigyan ko siya ng kalayaan na mapalapit kay Lance na EX BOYFRIEND nya sa loob ng dalawang taon.

Two years yun! Kami mag-one year pa lang magkakilala.

"Love?" pukaw nya sa atensyon ko

"O-okay lang. May tiwala ako sayo."

----*

Kung alam ko lang na yun na ang simula ng pagkawala ng oras ni Kaori sakin sana pala di ako pumayag.
Ngayon kasi kahit na iisang kompanya lang pinapasukan namin ay hindi naman kami nagkikita.

Dahil nga magkaibang department naman kami tapos si Kyzha naman boss ko kaya di talaga kami nagkikita sa working hours.

Hindi rin kami nagkakasabay umuwi kasi nga busy siyang damayan si Lance kaya nauuna akong umuwi lagi. Pagdating sa bahay ay pagod na pagod siya at matutulog na agad.

Minsan nga hindi na siya nakakapag-ligo. Bihis lang tapos diretso tulog.

Ayaw kong pagdudahan siya na baka may something na ulit sila ni Lance pero di ko maiwasan. Lalo na't parang hindi na siya tulad dati na sobrang clingy at touchy.

Nakakainis! Tapos isa pa itong si Kurt na text pa rin ng text.

Badtrip talaga ako ilang linggo na. Lagi na lang akong nagigising na wala si Kaori sa tabi ko tapos nakakatulog ako ng wala din siya.. Kung hihintayin ko naman, tutulogan lang rin ako.

Mas nakakasama nya pa yung Lance na yun parang gusto ko na mag-tantrums at awayin talaga siya!

Pumasok ako mag-isa sa office, lagi naman. Pagdating ko sa may lobby ay nakakita ako ng pamilyar na pigura na palapit sa akin..

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon