JILLIAN ESTELLA PORTIA
Pagkatapos kumain ay umuwi na rin kami sa Mansion ng mga Orion. Nagtext kanina si Kurt sakin, nabanggit ko kasi na ngayon dating ko sa Manila.
Nagtatanong na siya kung kelan kami magkikita.
Noong una balak ko ilihim kay Kaori ang tungkol sa pagkikita namin ni Kurt pero sa sitwasyon ngayon, ayuko.
Maraming mata si Kaori sa paligid baka makarating sa kanya at iba isipin nya.Wala naman akong dapat ikatakot dahil kakausapin ko lang ng masinsinan si Kurt. Ipapaliwanag ko sa kanya mga nangyari at tunay kong nararamdaman.
Ang inaalala ko lang ngayon, paano ako magpapaalam kay Kaori. Baka kasi hindi siya pumayag o baka uminit agad ang ulo.
"What are you thinking?" malambing na tanong ni Kaori habang niyayakap ako mula sa likod. Nakatayo kasi ako dito sa balcony ng kwarto niya.
"Iniisip ko lang kung mahal mo ba talaga ako." biro ko sa kanya. Eh kasi di nya naman sinasabing mahal niya ako. Kahit nararamdaman ko yun, iba pa rin yung maririnig mo mismo sa kanya.
"You're an idiot for doubting my love" naiinis na saad nya. Tinawanan ko naman siya. Ang sungit e
"Tapos tatawa tawa ka ngayon." humarap ako sa kanya at niyakap siya..
"Say it, Master. Gusto ko marinig" lambing ko sa kanya habang nagpapacute.
"Bakit pa? Alam mo naman na yun" tinulak ko siya ng mahina. Naiinis ako bigla.
"Parang simpleng iloveyou lang!" nagpapadyak na saad ko at nahiga sa kama.
Agad siyang sumunod sakin at nahiga sa tabi ko
"Does it matter?" tanong nya habang nakatunghay sakin. Nakatalikod kasi ako sa kanya.
"Ayos lang. Bahala ka sa buhay mo. Nga pala, makikipag kita ako kay Kurt." balewalang saad ko sa kanya.
"Anong sabi mo??" rinig ko na ang inis sa boses nya pero naiinis din ako kaya bahala siya dyan.
"Makikipagkita ako kay Kurt. Bingi lang?" pilosopong sagot ko sa kanya.
"Wife, ayusin mo pakikipag-usap sakin at bakit ka makikipag kita sa ungas na yun?!" ramdam ko ang mga nakakamatay na titig ni Kaori kaya tinakpan ko muka ko ng comforter.
"Isa!" bilang nya at marahas na tinatanggal ang comforter na nakatakip sakin pero mahigpit kapit ko.
"Gusto ko lang! Bakit pipigilan mo ko? Didiktahan mo na naman ako?" sagot ko sa kanya..
"Why do you need to see each other? Do you have plans of leaving me and be with him?" rinig ko ang pag-garalgal ng boses ni Kaori.
Tinanggal ko ang kumot at humarap sa kanya. Bigla akong nakunsensya ng makita ko siyang nagpipigil ng iyak pero kitang kita pamumula ng ilong nya..
"Kaonii" maagap ko siyang kinulong sa mga braso ko..
"Hindi kita iiwan, Love. Wag kang ganyan. Di ako sanay" pag-aalo ko sa kanya. Minsan ko lang siya tawagin ng love at ibig sabihin nun, naglalambing ako talaga.
"B-Bakit ka makikipagkita kay Deneb?" humihikbing tanong nya.
Ang sensitive nya naman ata ngayon.
Hinagod hagod ko ang likod nya para kumalma siya."Kakausapin ko lang siya ng tungkol samin at satin. Magpapaliwanag lang ako" maayos na sagot ko dito.
"Why do you need to do that?" muling tanong nya.
Mabuti at huminto na sya sa pag-iyak. Hindi ako sanay e.
"Kasi umaasa pa siya sakin. Wala kaming break up kaya wala kaming closure. I owe him an explanation." malumanay na pagpapaliwanag ko sa kanya
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI