Chapter 53

395 27 4
                                    

FEBRUARY 13

"Good morning, Mahal" nagising ako sa mumunting halik na dumadampi sa pisngi ko...

Pinulupot ko ang mga kamay sa leeg ng taong nanggising sa akin..

"Morninggg" nakangiting bati ko sa kanya.

Ang sarap lang gumising na laging ganito.

"Wake up na, Love. Let's eat breakfast" aya nya sakin at pinapaupo ako habang nanatili akong nakayakap sa leeg nya..

"Dito na lang tayo kumain, Love. Cook for me." lambing ko sa kanya. Birthday ko naman kaya pwede naman siguro magpabebe hehe

"I did cook for you pero sa baba tayo kumain, Love. Andon si Mommy tsaka ang mga kapatid ko. They're waiting for us" nagulat ako sa sinabi nya..

"Ha? Bakit sila andito? Mamanhikan ka na ba?" biro ko sa kanya.

"Gusto mo ba?" balik tanong nya..

"eh? After 5 years nga." tudyo ko sa kanya..

"Wow! Napaka tagal naman nun, Love!" reklamo niya pa rin

"Ano naman?" taas kilay n tanong ko sa kanya.

"Sayang oras, Love!" maktol nya pa rin.

"Ha? Mag-girlfriend naman tayo. And i guess, di naman na tayo maghihiwalay. Why? You don't feel secured? Do you think our relationship will not last?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

I don't get it, bakit nagmamadali ang iba makasal.

"Hindi naman sa ganon. Hindi lang natin hawak ang oras. Malay mo, last day ko na pala. Syempre, gusto ko mamatay na asawa ka" sagot niya na nagpakunot ng noo ko.

"Wag ka ngang magsalita ng mga ganyan! You will live longer for me, right?" pahayag ko sa kanya..

"I will, Love." sagot nya at hinila na ako patayo sa kama.

                                                                               

Bumaba na kami para kumain. Sumalubong agad sakin si Carina.

"Birthday girl!" saad nya habang niyayakap ako ng mahigpit.

"Hello Bebe Estella!" bati din sakin ni Kyzha

Masaya ko naman silang binating dalawa.

"Nag-abala pa kayo pumunta dito" nahihiyang ani ko.
First time nilang pumunta dito

"Hindi yun abala! Tsaka masaya din na kumakain tayo ng sama sama." sagot ni Carina na nginitian ko

"Halina kayo! Kumain na tayo." aya ng Senyora na halatang masaya.

Magkatabi kaming naupo ni Kaori tulad ng nakagawian, nasa dulong bahagi ang Senyora at nasa kaliwang bahagi nya naman nakaupo si Carina at Kyzha.

"Ngayon lang dumadami ng ganito ang bahay ko. Ang saya." nakangiting pahayag ng Senyora.

"Mas masarap talaga kumain ng maraming kasalo." nakangiting saad ni Carina

Nagkwentohan pa kami saglit hanggang mapagdesisyonan ng Orions na umuwi na para makapag-ayos sa birthday party ko.

                                                                   

Pagkatapos akong lagyan ng light make-up sinuot ko na ang sleeveless halter pastel yellow dress above the knee na binili namin ni Kaori kahapon. Sobrang sarap kasi sa eyes kaya gusto ko ng ganitong kulay. It looks simple yet formal.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon