Chapter 2

457 28 19
                                    

Dahil sa saya ay di naiwasan ni Jelay yakapin ito..

Si Kurt ang bestfriend nya ng highschool na laging nagtatanggol sa kanya.. Pakiramdam niya ay nakakuha agad sya ng kakampi.

Tinugon din naman ng lalaki ang mahigpit na yakap niya.

"Hey Deneb! Tama na pang-chichix! May laro pa tayo!" tawag ng mga kalaro niya dito..

"Estella, i need to practice. Can you wait for me?" nagsusumamo na tanong nito.

"S-sige.." pumayag si Estella sa gusto nito dahil na rin gusto nya pa makipag-usap dito.

Hinila siya ng lalaki sa Bleachers at pina-upo.

Pinapanuod lang ni Estella ang paglalaro nito. Napansin niya ang pamilyar na muka nung isang lalaki. Naka-Uniform ito ng Orion.
Sa likod ng uniform nya ay nakasulat ang apelyido na Carr.

Nang matapos ang practice ay agad lumapit si Kurt kay Jelay.

"Estella, salamat sa paghihintay" ani nito na nagpupunas pa ng pawis nya.

"Ayos lang. Nag-enjoy naman akong panuorin kayo" nakangiting sagot ni Jelay dito.

"Kurt, may tanong ako." pag-uumpisa ni Jelay dito.

Nakangiti naman itong sinalubong ni Kurt

"Kung itatanong mo kung kailan ako bumalik sa Canada. 2 years ago. Isang taon lang ako nag-aral dun. Di ko nagustuhan kaya bumalik ako dito." tuloy tuloy na saad nito kay Jelay.

Napangiti naman siya ng alanganin dahil hindi naman yun ang itatanong niya.
Pero naisip nya rin ang konting naalala nya pa sa panaginip niya.

Kahit si Kurt ay walang gusto sa akin. Hindi siya bumalik para sa akin. Napaka-ilusyanada ko talaga. Sambit ni Jelay sa utak nya.

"Ganon ba? Pero itatanong ko rin sana sayo ang pangalan nung may Jersey na Carr?" deirtso ng tanong ni Jelay dito.

Nilingon naman ni Kurt ang tinutukoy nito at sumama ang hilatsya ng muka nya.

"Gusto mo yun? Yung hambog na si Rygel?" parang naiinis na tanong ni Kurt dito.

"H-hindi. Pamilyar lang kasi muka nya sa akin." saad ni Jelay.

Parang nakita nya na rin kasi ito. Hindi niya lang matandaan..

"He is Lance Rygel Carr" lumaki ang mata ni Jelay sa narinig.

Lance Rygel Carr, 21 years old

Hindi na siya sigurado pero alam niyang parte ng panaginip nya si Lance.

"Diyan ka lang muna. Mag-quick shower lang ako. Mga 5 minutes lang promise." paalam ni Kurt kay Jelay at nagmamadaling tumakbo sa Mens shower room.

Sinundan lang ito ng tingin ni Jelay at binalik na rin nya ang tingin kay Lance.
Pilit nyang inaalala ang panaginip niya dito.

Rumihestro sa utak nito na sinusubuan siya ni Lance.

Bakit nya nga ako sinusubuan? Argh! Nagugulohan na si Jelay. Hindi na malinaw sa kanya ang mahaba at kakaiba nyang panaginip.

Konti na lang sa panaginip na yun ang naalala niya. At di na sya magtataka kung paglipas pa ng araw ay malimutan niya na lahat ng iyon.
Kasama ang mga naramdaman niya kay Kaori.

Sana. Dahil walang pag-asang magkagusto sa akin ang isang Kaori Vega Orion. Saad nya sa kanyang sarili.

"Tara na!" aya ni Kurt kay Jelay na tinangoan nya naman.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon