Chapter 21

396 32 11
                                    

Kakalakad namin ay nakarating kami sa mga taong nagkukumpolan.
Ang liwanag! Ang ganda. Ang saya saya!

I saw so many sky Lanterns at di ko maiwasan na hindi mamangha..

I saw so many sky Lanterns at di ko maiwasan na hindi mamangha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Tell me Love, that you like it." bulong sakin ni Kaori. Humarap ako sa kanya at di ko matago ang pagkamangha sa mata ko.

"I love it." buong pusong pahayag ko. Nakita ko ang pagkislap ng mata nya.
Nalulunod na naman ako sa mga tingin nya kaya nag-iwas na ako ng tingin.

"Wag kang hihiwalay sakin ha? Maraming tao ngayon dito." paalala niya na hindi ako masyadong nakikinig. Nag-eenjoy ako panuorin ang mga tao at lanterns.

Nababasa at napapanuod ko na ito nuon. Nag susulat sila sa Lantern ng gusto nilang sabihin o mangyari tapos papaliparin nila.

"Kaori.." tawag ko dito.

"Yes?" nakangiting tanong nya..

"Gusto ko nyan." turo ko sa kanya ng lantern. Gusto ko rin magsulat dun tapos mag palipad.

"Bago mo pa sabihin, meron na ako." ngiting saad nya kasabay ng paglapit ng batang lalaki. Nag abot sa kanya ng lantern.

Inabotan nya ng malaking halaga ang bata at umalis na..
Binuklat nya iyon at nilatag sa may pader.

"Ikaw na unang magsulat." inabot nya sa akin ang pentelpen..

Sumiksik ako sa pagitan ng mga braso nya at nagsimula ng mag-isip ng isusulat ko.
Nasa likuran ko siya habang inaalalayan nya ang lantern wag malaglag.

Sinisilip nya naman sinusulat ko mula sa likuran..

"Freedom." simpleng nilagay ko at ani ko.

Tapos nilingon ko siya.. Nakatingin lang siya sakin.. Hindi ko mabasa ang nasa isip nya.
Umalis na ako sa pagitan nya at siya naman nagsulat sa kabilang bahagi.

Hindi ko siya inalalayan magsulat. Bahala siya mahirapan..

Chinese character ang sinulat nya kaya di ko maintindihan. Nakakainis!

"Ano nilagay mo?" tanong ko sa kanya.

"Secret." tipid na sagot niya. Ano kaya nilagay nito?

Kaori wrote : 我爱你吉利安

"Sindihan na natin." aya nya sakin. Tuwang tuwa naman ako habang sinisindihan nya ang fuel patch sa dulo. Para yung papel na nilublob sa wax. Ganun itsura nya..

Nang tuloyan ng mag-apoy yun ay di ko na alam gagawin ko.

"Flip it Jelay, camon!" utos ni Kaori.

"What? Ayuko.. Baka masunog yung lantern." first time ko ito. Hindi ko alam gagawin.

"Just go against the wind then flip it. Aalalayan ko ang tela" utos nya pa rin sakin.. Sinubukan kong sundin ang sinabi nya at nabaliktad ko naman yun, syempre inalalayan nya nga e. Hehe

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon