Chapter 11

392 30 2
                                    

JILLIAN ESTELLA POV

Kinaumagahan pag-gising ko hindi ko alam kung paano ako haharap kay Kaori. Ngayon nag-sisink in sa utak ko mga nangyari samin kahapon.
Kung paano kami naghalikan in public at yung pagkawala sa mood nya kagabi.

My ghad Estella! Ang gulo gulo ng buhay mo!
Nafrufrustrate na ako! Simula ng ma-daupang palad ko talaga ang Orion di na nanahimik buhay ko.

Ilang sandali pa akong tumulala sa kisame ng mapagpasyahang kunin ang cellphone ko. Yung luma at pasira na. Nahihiya akong gamitin ang binigay ni Kaori.

Tsaka sa mahal nun? Di bagay sa akin.

May miscall dun at text. Chineck ko muna ang tumawag.

2 miscall from Kurt!!

Puro sa kanya din galing ang text..

Estella, bakit di mo sinasagot ang tawag ko?

Hey Estella! Are we still okay?

Nakita ko ang video. Kayo na ba?

Please reply Estella.

I love you.

Napasapo ako sa noo ko! Nagsend pa ng load sakin si Kurt. Shit!

Shit talaga! Nakita ni Kurt ang video.
Nagmamadali akong replyan siya.

"Good Morning Kurt.. Sorry hindi ako nakapagreply kagabi. Nakatulog na kasi. Wag kang maniwala sa nakita mo. Mali iniisip mo. Walang namamagitan samin ni Kaori. Sorry talaga. Kita na lang tayo soon? Pagpumunta ka na sa Orion? I miss you Kurt"

Sent

Mahabang text ko dito.. Haaaay
Umaga palang pero nanghihina na ako.

Tamad na tamad akong nagpunta sa dining para kumain ng breakfast. Gusto kasi ng mga master, sabay sabay kapag kumain. Ganun sila ka-family oriented. Sabagay, sila sila na lang kasi meron. Parehas kaming mga ulila.

Napaayos ako ng tayo ng pagpasok ko ay nakita ko si Kaori. Seryoso lang ang muka nya habang nakapatong ang siko sa lamesa at magkasalikop ang mga palad, parang ang lalim ng iniisip nya. Tagusan ang tingin nya sa nakadisplay ng mga prutas sa harap.

"Estella!! Good morning!" masayang bati sakin ni Kyzha. Nginitian ko naman siya.

"Good morning Master Kyzha" masayang bati ko rin sa kanya.

Sumulyap sakin si Carina at ngumiti ng tipid.

"Good morning Master Carina" yumuko pa ako konti bilang paggalang.

Ni tingnan naman ako ay hindi ginagawa ni Kaori..

"G-good m-morning Master Kaori" nauutal ko pang bati sa kanya.

Katunayan ay ngayon ko lang siya binati.. Kadalasan kasi ang batian namin sa umaga ay irap at batohan ng masasamang tingin o kaya pagtataas ng kilay.
Ngayon para akong hangin sa kanya ni hindi niya pinansin ang pagbati ko..

Tahimik na lang akong naupo sa tabi ni Kyzha. Dun naman talaga ang upuan ko.
Hindi ko alam pero lahat kami hindi nagsasalita parang may tension.

Naunang natapos sa pagkain si Kaori at umalis na. Nagtataka nga rin ako at di ngayon pumunta si Lance. Baka kaya parang wala sa mood si Kaori? Nag-away kaya sila?

Di kaya break na sila? Hindi ko alam pero may puwang sa puso ko na natuwa sa idea na yun.

"Ang creppy ng ngiti mo Estella.." puna sakin ni Carina. Di ko alam na napapangiti na pala ako..

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon