Chapter 52

418 26 11
                                    

FEBRUARY 12

Magkakaroon ng birthday party bukas para sa akin si Lola. Sabi ko nga, wag na dahil di naman ako mahilig sa ganitong mga okasyon pero gusto daw bumawi ng Senyora kaya hinayaan ko na siya.

Ayukong ipagkait sa kanya ang kaligayahan nya.

"Love, bagay ba sakin?" tanong ko kay Kaori habang pinapatong ang dress sakin na kulay yellow. It's my favorite color.

"Bagay naman lahat sayo lalo na ako." nakangiting sagot niya..

"Nye nye nye!" sagot ko sa kanya.. Masyado na syang bolera. Mga tinuturo sa kanya ni Carina yan e.

Tumawa lang siya.. Nawawala tuloy mata nya at lalo na siyang naganda.

Hindi kami pumasok ngayon, naggala kami sa mall para maghanap ng susuotin ko at makapag unwind na rin. Actually mag-3days vacation kaming dalawa. Ngayon hanggang sa 14.

"Ate, kukunin ko po ito." inabot ko sa kahera ang damit at card ko..

Napansin ko parang may di mapakali si Kaori..

"Bakit, Love?" tanong ko sa kanya

"Parang may nakatingin kasi satin kanina pa." kunot noong sagot nya habang palinga linga sa paligid..

"Maganda ka kasi kaya napapatingin sila." birong totoo ko sa kanya..

Tumingin siya sakin at ngumiti.. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako palapit sakanya..

"Mas maganda ka, Love" sagot nya na halatang nambobola at yumakap pa..

"Nge, ikaw mas maganda." sagot ko sa kanya

"Di ah. Ikaw kaya." sagot nya at nagtawanan na lang kami. Wala talagang gustong magpatalo saming dalawa.

"I love you my Estella" napangiti ako sa sinabi nya.. This is the first time she called me Estella. Ang ganda din talaga sa ears.

"I love you too, Vega" sagot ko sa kanya..

                                

Naglibot pa kami sa mall habang magkahawak ang kamay. We really looks like a normal couple now. Ibang iba na kami sa dati. Though minsan, may pagka-abnormal pa rin kami hehehe

"Love oh.. May cotton candy!!" masayang turo ni Kaori sa stall na nagbebenta nga ng handcraft cotton candy, yung tulad sa Janfusun.

Kinaladkad ako papunta ni Kaori dun, nagpatianod lang ako..

"Dalawa nga po, isang baboy at isang pusa na designs!" masayang ani ni Kaori dito

"Gusto mo din?" tanong ko sa kanya. Kasi diba dati sabi nya pambata daw..

"Hindi mo na naman kasi ako bibigyan!" maktol nya na tinawanan ko lang at kumapit sa braso nya..

Pinanuod ko na lang kung paano ginawa ni Kuya yung pusa. Yung pusa kasi inuna nya..

Pagkatapos gawin ni Kuya ay inabot ko na iyon kay Kaori..

"Ang cute mo, Love.. Teka! Pipicturan kita!" masayang turan ko..

"Wag na, Love. Nakakahiya." sagot nito na namumula na..

"Di yan! Ang cute mo kaya, smile na, Love" ani ko habang sinisimulan na syang kuhanan ng picture habang may hawak na cute na cotton candy.

"Jelay, wag na" tanggi nito

"Ayy! Isa lang! Magagalit ako, sige" banta ko sa kanya..

"Hay naku! Isa lang ha?" pag-sang ayon niya pero nakabusangot siya

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon