Marami akong nainom kagabi, nagising na lang ako na masakit ang ulo pero biglang nawala sakit ng ulo ko ng hindi ko makapa si Jelay sa tabi ko.
Mabilis akong napabalikwas ng bangon. Kumalma lang ako ng mabilis ko siyang nakitang nakaupo sa balcony.
Araw araw na lang ba akong ganito? Magigising na laging puno ng takot kapag hindi ko agad siya makikita? Na tuwing mawawala siya sa paningin ko pakiramdam ko mawawala na rin siya sakin.
Pakiramdam ko lalong sumakit ang ulo ko sa biglang bangon ko.
Hinilot hilot ko ito habang pinapanuod si Jelay na tahimik na nakaupo sa labas.Naramdaman niya atang may nakatingin sa kanya kaya napalingon siya sakin.
I gave her a weak smile.
Tumayo siya at lumapit sakin.
"Hang over?" tanong niya sakin na tinanguan ko.
"Okay. Diyan ka lang muna magluluto ako" sagot nya. Bago pa siya tuloyang maka-alis ay hinawakan ko ang kamay niya.
Tinignan niya ako na parang nagtatanong..
"Bumalik ka ha?" parang batang saad ko. Lumapit siya sakin at pinahiga ako.
"Babalik ako agad. Matulog ka muna" malambing na sagot niya at tuloyan ng lumabas.
Dahil masakit pa talaga ulo ko ay muli akong natulog.
Sa muling pag-gising ko ay naramdaman kong nasa tabi ko si Jelay. Napangiti ako ng makita ko agad siya.Busy siya sa laptop. Nag-aaral siguro.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa bewang."Tanghali na. Kumain ka na" ani niya habang hinahaplos ang buhok ko..
"Alam mo, Love.. Hindi ko maintindihan pero kapag dumidikit ako sayo, bolta boltahing kuryente ang dumadaloy sa katawan ko" ganon lagi ko nararamdaman ko. Di ko rin maintindihan bakit
"Lasing ka pa ba?" tanong niya sakin.
"Hindi ah." tanggi ko naman. Okay na nga ako, medyo masakit na lang ulo ko.
"Kumain ka na muna ng makainom ka ng gamot." pahayag niya na at tinabi ang laptop.
Tatayo na sana siya ng yakapin ko ng mas mahigpit ang bewang nya.
"Kukuha ako ng pagkain mo" pahayag niya..
"Bakit kukuha ka pa? Pwede namang ikaw ang kainin ko." nakangiting biro ko sa kanya.
Napa-roll eyes naman siya at marahas na tumayo.
Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang mawala siya sa paningin ko. Saglit lang ay bumalik na siya at may dalang tray.
Nilapag nya yun sa ibabaw ng kama.
"Wow! Chicken noodle soup!" masayang ani ko. Favorite ko ito.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI