Chapter 4

377 35 16
                                    

"Tahan na. Masakit pa ba?" nag-aalalang tanong ni Kurt sa umiiyak na si Jelay habang hinihimas ang muka nitong nagamot na.

Para kay Jelay ay mas masakit ang mga binitawang salita ni Kaori kumpara sa sugat na natamo nya.
Maliit lang yun at di malalim.

Hindi katulad ng mga sinabi nito.. Tagos ang hapdi sa puso niya..

Pinunasan na ni Jelay ang kanyang mga luha na kanina pa hindi nya mapigil sa pagpatak.

"Uwi na ako, Kurt." yun na lang nasabi ni Jelay dahil dinala siya nito sa Ospital dahil sa takot na ma-infection ang sugat nito.

Agad naman siya hinatid ni Kurt sa apartment na tinutuloyan nya.

Tinulog nya na lang ang sama ng loob nya kay Kaori. Wala siyang karapatang mag-inarte dito, balewala lang sya sa buhay nito.

Kinaumagahan pagpasok sa school ay nagtataka siya dahil walang mga nantritrip sa kanya.

Mukang tapos na pagpapahirap sa kanya ni Kaori. Baka natauhan na siya kagabi.

Payapa ang paglalakad nya sa hallway. Sa room ay walang mga nambabato sa kanya. Payapa din ang pagkain nya sa canteen. Walang nantrip sa kanya ng mag-Cr siya..
Hanggang maka-uwi ay parang bumalik siya sa dati. Invisible sa paningin ng mga ka-eskwela. Walang pumapansin sa kanya.

Napangiti naman siya at parang gusto niyang puntahan si Kaori at magpasalamat dito pero nahihiya siya.

Excited sya ng uwian makita si Kurt para mag-kwento ng pagsuko ni Kaori ngunit walang Kurt na nagsundo sa kanya na pinagtaka nya.

Sinubukan nya itong itext para kumustahin. Nag-aalala siya dahil baka kung anong nangyari dito.

Nagpasya na lang siyang umuwi mag-isa at naghintay ng tawag o text nito.

Habang nakain mag-isa sa maliit na apartment nya ay nangingiti siyang iniisip na baka naawa sa kanya si Kaori.

"Hindi kaya may gusto talaga siya sakin?" parang kinikilig na tanong ni Jelay sa kanyang sarili..

"Pero imposible! Baka narealize lang ni Kaori na wala naman akong kwenta para pag-aksayahan nya ng oras. Sino ba naman ako diba?" pagkontra nya rin sa iniisip nya.

Maya maya lang ay tumunog ang cellphone nya na sobrang luma na at halos pasira na ang touch screen sa sobrang tigas pindutin.

Nag-text sa kanya si Kurt kaya agad niya iyong binasa.

From: Kurt Deneb

Estella, pasensya na di kita nasundo. Hindi rin ako nakapag-paalam biglaan kasi akong pinatawag ni Daddy.
Susunduin na lang kita bukas ng umaga, may sasabihin din ako sayo.

Text nito na nagpakaba kay Jelay.
Ano naman kaya ang sasabi nito? Bakit hindi nya na lang sabihin sa text?

Dahil wala na siyang load ay hindi nya na ito nireplyan..
Kinaumagahan ay nakarinig siya ng mahihinang katok sa pinto ng apartment nya.

Mabilis niya itong pinagbuksan sa pag-aakalang si Kurt ito..

"Ate Norma!" masayang bati ni Jelay sa landlady niya..

"Estella, hindi na ako papaligoy ligoy pa." nawala naman ang magandang ngiti ni Jelay dito at napalitan ng kaba.

"Matagal ka ng nakatira dito at mabait ka naman pero pasensya na. Kailangan na kita paalisin dito." biglang nanlumo si Jelay sa narinig.

"P-pero bakit po? Nagbabayad naman ako ng tama. Wala naman akong nalalabag na batas."

Napa buntong hininga ang Land Lady. Mahahalata dito na hindi nya rin ang gusto ang desisyon nya.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon