Chapter 10

432 32 3
                                    

Pagkatapos ng klase ni Jelay ay dumiretso na sya sa billiard club pero malaking kahihiyan para sa kanya ang paglalakad sa hallway ng school.

Lahat kasi pinagtitinginan siya at hindi nya man naririnig ang mga bulong bulongan ay alam nyang ang mga pinagsasabi nito ay tungkol sa paninira sa kanya.

Kasalanan ni Kaori ito! Naiiyak na maktol nya sa sarili.

Nakaupo siya sa gilid at nililinis nya ang tako nya pero mas tama sigurong sabihin na pinang-gigigilan nya itong kiskisin ng basahan..

Bweset ka talaga Kaori!! Panay ang bulong nya.

Natahimik siya ng makakita ng sapatos sa tapat nya..
Tumingala siya at nasalubong ang tingin ng coach nya na may nakakalokong ngiti.

"Ikaw ha! Sabi na nga ba may something sa inyo ni Master Vega" tudyo nito sa kanya

"Coach Hamil naman! Wag kayo naniniwala sa chismis. Hindi totoong kami ni Kaori!" maktol niya dito na tinawanan lang siya

"Sus! Kalat na kalat ang video nyo na naghahalikan.. Tsaka first name base nga kayo." lumaki ang mata ni Jelay sa sinabi nito.

"May video kami ni Kaori?!" di makapaniwalang tanong niya..

Tumango tango naman si Coach Hamil.

"Wag kang mag-alala. Hindi yun kakalat sa Social Media at Tabloids. Masyadong makapangyarihan ang Orion siguradong naka News Block na yan." pero hindi pa rin maiwasan ni Jelay na mahiya..

"Gusto mo ba mapanuod? Nadownload ko ng may magpasa sakin sa Viber hahaha" alok pa nito sa kanya.

Gusto niya rin makita kung anong itsura nya dun. Baka mahalata din na enjoy na enjoy siya sa halikan nila.

Shet! Baka nakita o makita ni Kurt ito! Nataranta agad si Jelay sa isiping iyon..

"Coach, kanino kaya nasend yang mga yan? Gaano kumalat?" humawak sa baba niya ang kanyang coach at nag-isip..

"Saglit lang. Siguro mga nasa 8mins lang bago nablocked. Nagkataon lang talaga na online ako kanina. Sa mga taga Orion lang naman ata sinend tsaka di na kakalat yan. Yung nag-upload ay lagot kay Master Vega sigurado. Buburahin ko na nga ang video baka may makapagsabi pang meron ako nun. Malilintikan ako kay Master Vega" mahabang litanya nito at nagkamot sa batok.

Nacurious naman si Jelay sa itsura nila sa video.

"Ahmm.. Coach pwe-pwedeng makita ko muna?" nahihiyang tanong nito..

Nakangiting inabot naman sa kanya ng coach ang cellphone nya..

"Dun lang muna ako Estella." paalam ng coach nya at nilapitan ang isang teammate nya.

Binalik nya ang tuon sa cellphone na hawak.
Huminga muna siya ng malalim bago plinay ang video..

Nag-umpisa agad ito sa maiinit na halikan nila. Parehas silang nakapikit at tila wala tao sa paligid.

Hindi maiwasan ni Jelay ang mamula.. Naramdaman nya rin ang pawis nya sa kanyang noo.

Too hot. And by watching of it, it's making me wet.

3 minutes and 16 seconds tinagal ng video kahit nag-umpisa na ito sa gitna at natapos agad ng maghiwalay sila at nagdilat ng mata si Kaori.

Ganon kami katagal na naghalikan kanina? Shit! Di makapaniwala si Jelay.

Muli niyang pinanuod ang video..

Sa kabilang banda naman ay nagtatalo ang mga Orion.

"Why did you do that without asking me?!" naiinis na tanong ni Kaori kay Carina.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon