JILLIAN ESTELLA PORTIA
Mag-iisang buwan na rin simula ng magsimulang magtrabaho si Kaori. Hindi naman siya nagkukulang sa akin dahil pag-uwi nya galing trabaho ay nilalambing nya pa rin ako.
Minamasahe ko naman siya hanggang sa mauwi kami sa alam nyo na.
Hindi pa ako nagwowork kasi sabi ni Kaori magpahinga daw muna ako. Nabobored na nga ako dito sa bahay, si Carina lang nakakasama ko kasi si Kyzha, nagtratrabaho na rin.
Si Ashley naman ay wala akong balita. Sobrang nalulungkot ako talaga kasi naging bestfriend ko na siya, wala man lang ako natulong sa sitwasyon nya. Samantalang si Lance balita ko ay laging lasing kung pumasok sa trabaho.
Sa company ng Orion din siya nagtratrabaho bilang Finance assistant manager. Kahit na tatamad tamad at lasing ay hindi siya magawang tanggalin dahil family friend nila ang Orion tsaka bestfriend din siya ni Kaori kasi.
Andito ako ngayon sa gilid ng pool nainom ng beer habang pinapanuod si Carina na nag-swiswimming.
Gabi na rin kaya malamig na ang ihip ng hangin.
Napapitlag ako ng may biglang humalik sa pisngi ko.
Paglingon ko ay si Kaori pala."Kaoni!" masayang salubong ko sa kanya at agad yumakap sa leeg nya.
"Namiss mo ko?" tanong nya sakin habang natayo, natatangay naman ako sa pagtayo nya dahil nakayakap nga ako sa leeg nya.
"Sakto lang." pabebeng sagot ko habang inaamoy siya. Ang cute ng pink na coat nya.
"Kumain ka na?" malambing na tanong nya sakin.
"You know that i'm always waiting for you" sagot ko habang nakasiksik pa rin ang muka sa leeg nya.
"Okay, let's eat" kumalas na siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko.
"Lyra, kakain na kami. Bahala ka na dito" pahabol nya kay Carina at hinila na ako papasok sa loob.
"Uminom ka ng hindi pa nakain?" tanong nya na may halong pagalit.
"Di naman kami naglalasing." tipid na sagot ko sa kanya. Hindi ako pwede makipagtalo kasi pagod siya sa trabaho at may i-rerequest ako sa kanya kaya dapat hindi siya mabadtrip sa akin.
Tahimik kaming kumain ng haponan hanggang matapos at mag-aya siyang maligo.
Sabay kaming naligo na dalawa.. Habang pinupunasan ko siya ng body wash ay nagtanong na ako.
"Anong nangyari sa work mo today?" tanong ko sa kanya
"Ganon pa rin tulad ng kahapon" tipid na sagot nya at nanatiling nakapikit.
"Still happy?" muling tanong ko
"Yes. I love what i am doing." nakangiting sagot niya.
Marahan kong hinahaplos ang bawat sulok ng katawan niya.
"It's getting hotter, Love" ani niya..
"Naliligo tayo naiinitan ka pa?" tanong ko sa kanya kahit alam ko ang tinutukoy nya.
"Your hands is so hot!" daing niya na nagpangiti sakin..
I opened the shower and we soaked under of it. Niyapos ko siya ng marahan at sinandal ang ulo ko sa may dibdib nya
"Tell me, what you want" yan ang hinihintay kong sabihin nya. Alam kong mararamdaman nya na may hihingin ako.
"Gusto ko na magtrabaho, Master." malambing na sagot ko sa kanya.
"Bakit? May gusto ka bang bilhin? Just say it. I will buy it for you" sagot nya.
Napahinga ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI