THE END

656 34 25
                                    

Nawawalan na ng pag-asa si Jelay. Napapagod na siya. Malapit ng magtagumpay si Kurt sa planong tuloyang pag-angkin sa kanya.

Napapikit na lamang siya at siya namang marahas na pagbukas ng pinto.
At narinig ang isang putok ng baril!

Pagdilat ng mata niya ay wala na si Kurt sa harapan nya..

"Kaori!!" patuloy sa pag-iyak na saad nito.

Mabilis siyang dinaluhan nito at niyakap ang hubad nyang katawan..

"I'm sorry.. Nahuli ako." naiiyak na paghingi nito ng tawad at patuloy sa paghalik sa noo nito.

Kitang kita ang halong halong emosyon sa mata nito. Galit kay Kurt, pagsisisi sa pagkahuli at pagkaawa sa minamahal.

"Sorry.. sorry.." paulit ulit na paghingi nito ng tawad.

Umiiyak lang si Jelay habang nakasiksik ang leeg nito sa mahal.

"Alam ko darating ka." parang batang saad nito.

"Ssshh.. Andito na ako" pag aalo ni Kaori dito.

Hinaplos nya ang muka ni Jelay at hinawakan ang baba nito.

"I'm here. You're safe now." naiiyak na ani ni Kaori at dinampian ng halik ang labi ni Jelay. Malugod naman niya iyong tinugon..

Sa kalagitnaan ng kanilang paghahalikan ay muli silang nakarinig ng mga sunod sunod na putok ng baril.

Parehas silang napalingon na dalawa.

Nakita nila ang nakabulagtang katawan ni Kurt na puno ng dugo. May hawak din itong baril.

"M-may dugo." nanginginig na saad ni Jelay.

Napahawak si Kaori sa kaliwang bahagi ng dibdib niya..

Tinignan nya pa ang dugo sa kamay niya..

"Vega!!" malakas na sigaw ni Lance dito.

Nasa likuran nya rin si Carina at Kyzha na hindi makakilos sa kinakatayuan dahil sa gulat at takot na nararamdaman.

Dahan dahang nanghina ang katawan ni Kaori at bumagsak sa ibabaw ni Jelay.

"Kaori!!!"

Mabilis lumapit si Lance kay Kaori at binuhat ito.

Gustong humabol ni Jelay ngunit nakaposas pa sya. Mabilis siyang dinaluhan ni Kyzha at tinakpan ng kumot ang hubad na katawan nito.
Pinakawalan din siya nito agad sa pagkaka-posas.

"Si-Si Ka-Kaori" nanginginig na saad ni Jelay.

-------

Tahimik lamang naka-upo si Jelay sa labas ng operating room kung nasaan si Kaori. Naka-jacket na sya na siya at jogging pants.

De ja vu

"But this time, walang Kurt na tutulong sa kanya" tumatakbo sa isip ni Jelay.

Tahimik lang rin naka-upo si Carina sa tabi nya at si Kyzha na hinahagod ang likod nya.

Si Lance ay nakasandal lang sa pader na puro dugo ang damit.

Sabay sabay silang napalingon sa Doctor na lumabas mula sa operating room.

"Doc?" mabilis na lapit ni Carina dito.

Nakayukong lumapit ang doctor at umiling.

Napapatulala na lang si Jelay. Nagugulohan at nabibilisan siya sa lahat ng pangyayari. Hindi nya maproseso sa utak nya ang mga naririnig mula sa doctor. Gusto nyang ibalik ang orasan sa kahapon.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon