26

14 3 0
                                    

Napatigil ako sa pag-iisip nang kung anu-ano nang makarinig ako ng ilang pagyabag ng paa. Nanatili akong hindi gumalaw sa aking p'westo at pinakiramdaman ang tila dahan-dahan nitong pagtapak sa lupa. Kada pagtapak nito sa lupa, naririnig ko ang paglagitik ng damo.

“One more step, you will be died,” mahinang ani ko. “What are you doing?”

“Woman.”

Nagmulat ako ng mga mata matapos marinig ang malalim niyang tinig. Bumungad sa akin ang isang pares ng mata. Puno iyon ng emosyon at hindi ko naman mapangalanan ang mga iyon. Masyadong naghahalo-halo ang mga nababasa kong emosyon sa magagandang matang iyon. 

Weird... 

I frowned. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagtagpo ang aming mga mata, ngunit ngayon lamang ako nakaramdam ng kakaibang kaba. 

Kakaibang kaba na hindi ko mawari. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi dapat bumibilis ng ganito ang pagtibok ng puso ko sa taong hindi naman mahalaga para sa akin. 

“What are you doing?!” Sinapok ko ang kaniyang mukha. Napalayo siya sa kaya nagkaroon ako ng pagkakataon makabangon. “Bakit ang lapit ng mukha mo sa 'kin?!”

Tumalim ang tingin niya habang sapo-sapo ang kaniyang mukha. Nangingiwi pa ito. Robot siya kung hindi siya makakaramdam ng sakit! 

“Damn it, woman! Why did you hit me? Are you crazy?!” 

“You, motherfucker! Bakit ang lapit ng mukha mo sa akin?!” inis kong sabi. “Nakakainis ka!”

“You're blushing,” tonong nang-aasar. He even smirked! “Ilang o kilig 'yan?” 

I murmured a lot of curses. Tumayo ako at inis na pinagpagan ang sarili. Puro na tuloy damo ang damit ko. 

“Anong ginagawa mo rito, huh?” bagot kong tanong. Nanatili ang mga tingin ko sa aking uniporme. Ayoko siyang lingunin. Nakakairita ang pagmumukha niya. 

“I just saw you here,” he uttered. “I was about to call you when I saw you sleeping. Why are you sleeping here anyway? Napakainit dito.”

Napangiwi ako. “Hindi ako natutulog, nakapikit lang.” 

“Seriously, woman?” 

“Mukha ba akong nagpapatawa?” 

“Pilosopo ka talaga.”

“Magkaiba ang pilosopo sa sumasagot ng totoo! Parang tanga. Sinabi ngang nakapikit lang ako, ayaw pang maniwala. At saka, huwag kang lalapit sa akin nang gano'n kalapit! Naiintindihan mo?” 

Hindi naman ito sumagot. I really hate his guts! Nakakainis ang presensya niya. Nakakainis pa ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

I sighed. Tinuon ko ang aking atensyon sa kabuuan ng field. Naramdaman kong gumalaw ang nasa likuran ko at lumakad ito palapit sa akin. Muli akong napabuga ng hangin para sa sandaling ginhawa at pakalmahin ang aking sarili.

“I miss my best friend...” I whispered into wind. “I badly miss him...”

Galit na galit ako sa mundong 'to!

Gusto kong sumabog sa galit!

Gusto kong manakit ng tao!

Gusto kong patayin ang mga taong nasa palagid ko!

Pakiramdam ako... Lahat sila mga nagpapanggap. 

Iniwan kong mag-isa sa field ang pinsan ni Gabrielle ng walang sali-salita. Bukod sa tinatamad akong magsalita, wala naman akong sasabihin sa kaniya at wala ako sa mood para makipagbarahan. 

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon