“Yasuko Miyamoto!”
She called my japanese name with a thundered voice. Mariin akong napapikit matapos dumapo ang palad niya sa aking pisngi. Kumuyom ang mga kamao ko nang sampalin niya ulit ako.
Pusanggala!
Hindi ko lubos maisip kung bakit nandito sila ngayon sa school. Nagkataon pang nagkakagulo kung kailan sila dumating dito at naabutan pa nila akong hawak ko ang kwelyuhan ni Mrs. Alegre.
Malas!
“Hindi ka na nadala!” sigaw ni Lola. Napayuko ako dahil alam kong nasa akin ang mga tingin ng mga tao rito. “Gustong-gusto mo talagang napapagalitan ka! Problema na lang parati ang dala mo sa pamilya at sa paaralang ito!”
I swallowed hard. Nagmulat ako ng mga mata saka pasaring tinapunan siya ng tingin.
“Problema? Problema ang dala sa pamilya mo?” umikot ang mga mata ko at tumawa ng pagak. “Minsan ba naitanong n'yo sa 'kin kung ano o sino ang problema ko?!”
“Sumasagot ka pa talagang bata ka! Bastos ka! Wala ka talagang pinag-aralan!” akma niya akong sasampalin ulit nang pigilan ko siya.
“P'wede ba?! Tama na ang pananakit mo sa akin!” pabagsak kong binitawan ang braso niya. “Nakakasawa na! Hindi ka ba napapagod na saktan ako?!”
“Hindi, hangga't hindi ka nadadala!”
"Ano?! Dalang-dala na ako! Pagod na pagod na rin ako sa pananakit niyo! Gusto niyo bang saktan ko rin kayo para madala kayo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay pu-p'wede n'yo akong saktan!”
“Walang hiya ka talagang bata ka!”
“Oo na, Lola! Walang hiya na ako... bastos at walang pinag-aralan! Huwag nang paulit-ulit. Nakakarindi. Kung gusto mo pang ipaglandakan sa buong mundo, magpa-media ka!”
“Miss Rosane Beindz!” sumingit si Mrs. Nalandress. Hinatak niya ang braso ko. “Nakahihiya itong ginagawa mo. Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit sa mga nakakatanda sa iyo! Ano bang klaseng tao ka?! Wala bang natitirang kahihiyan sa katawan mo o kahit respeto man lang?! Demonyita ka talaga!”
I gritted my teeth. Sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit! Dumadagdag pa ang bruha na 'to sa problema ko! Hilig laging umeksena!
“Nakaperwisyo ka na nga, binabastos mo pa ang principal, ikaw pa ang matapang ngayon at nagmamagaling!”
Hinayaan ko siyang batuk-batukan niya ako. Hinintay ko naman kung ano ang gagawin o magiging reaksyon nina Lolo at Lola. Ngunit parang may sumabog sa loob nang panoorin lang nilang batuk-batukan ako at walang makikitang emosyon sa pagmumukha nila! Peste!
“Mrs. Nalandress, that's not the right to discipline your student!” pag-awat ni Mrs. Delman. “You're hurting her! That's not supposed to treat her!”
“Shut up, Mrs. Delman!”
“You shut up, Mrs. Nalandress!” sigaw pabalik ni Mrs. Delman. She glared at her. “Kung hindi mo ititigil 'yan, ako mismo ang magsasampa ng kaso against you!”
Napasinghap si Mrs. Nalandress. Naramdaman kong binaba ni Mrs. Nalandress ang kamay niya mula sa batok ko.
Punyeta!
Magsasalita sana ako nang mahagip ng mga mata ko si Ohne. Sa gilid naman niya, nakaupo si Gariel, hindi maipinta ang mukha.
“This is fucking bullshit!”
“Gari.”
“I will call my mom, Karl,” dinig kong sabi ni Gariel. “They are evil!”
“Lower your voice.”
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...