"Oh... Ikaw pala 'yan, Rosane!"Matapos ang practice ay nagtungo ako rito sa classroom para balikan ang gamit kong naiwan. Naabutan ko naman si Jiesel na mag-isang nakaupo sa chair at pansin kong hawak-hawak niya kaniyang tiyan.
"Tapos na ba ang practice?" Tumango naman ako biglang pagtugon sa tanong niya. "P'wede na bang umuwi?"
"Tanungin mo si Ariess," pagkasabi ko no'n ay parang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Daling-daling namutla siya. "Masama ba ang pakiramdam mo, Jiesel?"
"Masakit lang ang tiyan ko," sagot niya sabay iwas ng tingin.
Hindi naman na ako kumibo pa. Iniligpit ko na ang gamit ko at sinilid iyon sa bag. Bumukas ang pinto sa likod. Hindi ako tumingin doon pero alam kong napalingon doon si Jiesel.
"Nakakapagod ang practice!" rinig kong sabi ni Persus. "Ano kaya kung pumunta tayo ng mall? Wala naman na tayong gagawin, hindi ba? Kaya gumala tayo ngayon!"
Sinundan iyon ng paghalakhak. Nakisabay lang sa kaniya sa pagtawa si Ariess.
"Persus, why don't you just rest?" tanong ni Menases. "Ikaw na nga ang nagsabi, pagod ka galing practice."
"Dude, ang killjoy mo talaga!"
Hindi na ako nakinig pa sa usapan nila. Nagsimula na akong maglakad palabas ng pinto ngunit napahinto rin nang dumaan ako sa gawi ni Jiesel dahil hinawakan nito ang braso ko.
"N-Nahulog mo..." nanginginig niyang sabi at tinuro ang sahig. Sinundan ko iyon ng tingin.
Takte!
Naihulog ko pala ang ballpen ni Ohne. Mabilis kong dinampot iyon at binulsa sa blazer ko. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang makaramdam ng kakaibang atmosphere.
"P'wede na bang umuwi?" diretsong tanong ko kay Ariess.
"Yes, of course, p'wede na."
Tumango ako, nilingon ko si Jiesel. Halata ang pagkagulat sa mukha nito pero nangingibabaw ang takot. Ano bang nangyayari sa kaniya?
"Tara na, Jiesel. Sabay na tayong bumaba," usal ko. Lumalim ang pagtataka ko nang magmadali itong tumayo at sinukbit ang bag sa balikat. Nauna pa itong lumabas ng silid sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Jiesel," pagtawag ko sa kaniya. Naabutan ko siyang nakayuko sa isang halaman at dumuduwal. "Anong nangyayari sa iyo?"
"W-Wala..."
Hindi ko na halos marinig ang sinagot niya. Muli siyang sumuka sa paso. Hinagod ko kaniyang likod. Nandito pa kami sa third floor, mabuti na lang wala nang estudyante rito. Lagot kami kung nagkataon dahil sinukahan ni Jiesel ang halamang kakatanim pa lang.
"Dumaan ka na muna kaya sa clinic?"
Mabilis siyang umiling. "H-Hindi... Kaya ko naman.... Uuwi na ako."
"Tara na, ihahatid kita sa sakayan.."
Pinunasan niya ang kaniyang bibig. Nagmumug siya gamit ang mineral water na hawak niya. Nang matapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad, ako naman ay nakaalalay lang sa kaniya. Nasa ground floor na kami nang magsalita siya.
"R-Rosane..."
"Bakit?"
Nagsalubong ang aking kilay nang dumiin ang pagkakahawak niya sa aking braso.
"H-Hirap na hirap na ako..." sambit niya at naglandasan ang mga luha niya. "H-Hindi ko na kaya..."
"Ha? Anong hindi mo na kaya? May masakit ba sa 'yo?"
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...