“Boo!”
Sumulpot sa aking harapan si Asher at binabalak-balak niya pa akong gulatin. Napawi ang ngisi niya nang wala akong naging reaksyon.
“Ayun si Manager Avi. On-the-spot interview ka na. Tara!”
Nanlaki ang mga mata ko. “Seryoso ba?”
Tumango siya. “Galing ko, 'no? Ako kasi ang lucky charm mo! Mabuti na lang talaga sumama—”
“Salamat,” pilit na ngiti ang ginawad ko.
“Tara na, nandoon na s'ya, oh!”
Itinuro niya ang isang table hindi kalayuan sa amin. Tumango ako at sinundan siya. Bahagya akong yumuko at sumagi sa aking isipan na wala akong resume o kahit biodata man lang.
“Have a seat,” saad ng manager. Napaisip naman ako dahil parang narinig ko na ang boses na iyon.
Nag-angat ako ng tingin, natigilan ako sandali nang dumapo ang tingin ko sa kaniya. Nagkamot ako ng batok. Pamilyar ang mukha niya at parang nakita ko na siya kung saan. Hindi ko lang maalala.
Weird...
“May problema?” bulong ni Asher. Daglian akong umiling. “Sige, umupo ka na. Doon na muna ako sa counter, makikipag-usap lang sa cashier. Alam mo na…”
Ngumiwi ako. Mahina siyang tumawa at tuluyan na akong tinalikuran. Pumihit ako ng malalim na paghinga at saka naupo.
Tumikhim ako. “Good afternoon po...”
“I'm Aveir Amadeo, the manager,” seryoso at diretsong pagpapakilala niya. “Call me Manager Avi.”
Sandali akong napatulala. Ang pangalan niya, parang narinig ko na rin kung saan. Pusanggala naman, oo. Ano bang nangyayari sa akin?
“Why are you staring me like that?”
“Pamilyar po kasi ang pangalan n'yo,” nakangiwing saad ko. Sumeryoso siya at humalukipkip.
“So, you are applying?”
Ay, hindi.
“Opo,” sambit ko. “Kahit anong bakanteng posisyon po, Sir.”
"Are you still underage?" umangat ang kilay niya. “How old are you, kid?”
“16 turning 17 next, next month, Sir.”
"Why do I need to hire you?"
“Po?” nabigla ako sa tinanong niya. “Ah, kasi po—”
He cut me off. “Can you please crop the po? Hindi nalalayo ang edad ko sa 'yo.”
“Sige,” tumango pa ako. “Madali po—madali akong kausap.”
“Answer my questions immediately. I'm in hurry, I don't have enough time for this.”
Tumango ako.
“Again, why should I hire you?”
“K-Kasi… kailangan ko ng pera, Sir. Kung wala akong pera, wala akong pambili ng pagkain. Kung wala akong pagkain, magugutom ako, Sir. Baka sa susunod tumirik na ang mata ko dahil sa gutom. Kapag namatay ako sa gutom, malulungkot ang mga kaibigan ko…”
Bobo mo, Rosane! Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?!
“Nice answer,” ani Manager Avi na siyang nagpatulala sa akin. Tumango-tango pa siya na parang impressed na impressed sa sinagot ko.
Weird...
Gusto kong matawa pero pinigilan ko.
Putcha!
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...