5

34 6 0
                                    

“What’s the weird thing in your head?” Natatawang tinuro ang headband na suot ko. “Is that a headband? At bakit mga nakatingas ang buhok mo?”

Narinig ko ang pangmalakasan na halakhak nina Jahm at Jorja. Rumolyo ang aking mga mata.

“Nagbangs ka ba?” muling pag-uusisa ni Gabrielle. Tila isang bata na curious sa isang bagay at binabalak pa niyang kunin ang headband sa ulo pero mabilis akong nakaiwas. “What's wrong with you? Ang weird mo!”

“Tigilan mo nga ako,” naiinis kong sambit.

“Nagbangs ka nga ‘no?” Hindi maalis ang mapang-asar niyang ngisi. “Patingin nga kung bagay sa ‘yo!”

“Ayoko nga,” inatras ko ang aking upuan. “Hindi maganda ang kinalabasan..”

“Mabuti alam mo! Sino ba kasi ang nagsabing magbangs ka?” ani Jahm.

“Wala!”

“Kakanood ng K-Drama at K-Pop songs ‘yan!” ani Jorja at muling tumawa. “Ang ganda mo talaga! Ang ganda ng bangs mo! Sa sobrang ganda, nanaisin mong magpakalbo!”

“Hoy, Sane! Can I see it?” Sinubukan ulit tanggalin ni Gabrielle ang nasa ulo ko.

“Ayoko nga!”

“Patingin nga sabi, eh!”

“Ayoko! Respect my decision!”

“Tsk! Nag-feeling Koreana ka na naman!”

“Hindi naman,” nakangusong turan ko at binaling ko na ang aking atensyon sa mga librong nasa harapan ko.

“Nagbangs ka pero ayaw mo namang iladlad sa noo mo!”

“Tigilan mo nga ako, Gabrielle Rey at ako’y malapit nang mabanas sa ‘yo.”

“I just wanna see your bangs!”

“Patingin din ako, Rosane!” biglang sabat ni Dianaya galing likod. Nasa tono niya ang pang-aasar. “Dali, dali! Patingin!”

“Letche!”

May dumunggol sa upuan ko kaya nahulog ang ballpen sa sahig. Yumuko ako at mabilis na dinampot iyon. Pagkaangat ko ng aking ulo ay siya namang paghablot ni Gabrielle sa headband. Unting-unting lumadlad sa aking noo ang ginawa kong bangs.

“Not really suits on you!” Sinundan iyon ng paghagalpak ng tawa. Pati rin si Dianaya at Mayen, nakisabay na rin sa halakhakan.

I clenched and breathe heavily.

“Bored ka ba, Rosane?!” si Persus. Nagpipigil pa ng tawa ang hinayupak. Tingnan mo nga naman at nasa kabilang hanay na pero nakikiisyoso pa. “Lakas ng tama! Nagpabangs! Hindi pa pantay ang pagkakagupit! Gusto mo bang ayusin ko 'yan?”

Napatingin ang lahat sa akin. Kasabay no’n ang pagbubulungan at pagtatawanan.

“Gusto mo ng pantay? Halika rito at gugupitin ko ‘yang dila mo gamit ang plais!”

Marahas kong kinuha ang headband sa kamay ni Gabrielle at binalik sa ulo ko iyon.

Nakakabwisit!

“Tingnan mong kulot ang buhok mo tapos nagbangs ka pa?” Pinipilit pigilan ni Gabrielle ang patawa niya. “Tapos hindi pa masyadong pantay!”

“Gandang lahi!” sigaw ni Jorja. “Pak na pak ang ganda!”

“Sige, asarin n’yo lang!” ani Jahm. “Mamaya ang kamao n’yan nasa pisngi n’yo na at lumalagapak.”

Nagpangalumbaba ako. Hindi ko na lamang sila pinansin at bumaling na lang sa librong hawak ko. Nasaan na ba kasi ang teacher na iyon? Bakit hanggang ngayon ay wala pa siya?

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon