“Wala po akong barya, Kuya…”
Isang estranghero ang lumapit para ilahad ang kaniyang palad. Sandali pa akong napatitig sa kamay niyang nakalahad.
He didn’t say anything. Kung sayaw ang pakay niya, hindi ba dapat sinabi na niya? Pero hindi, eh. Nakalahad lang ang kamay niya kaya pumasok sa kukute kong nanghihingi siya ng barya.
“Kuya, wala po akong dalang wallet, eh. Pasensya na,” mahina kong usal. “Maiwan ko na po kayo—”
“Damn it, woman…”
My eyes widened. “O-Ohne?!”
Minata ko siya mula ulo hanggang paa. Oh, man! He’s wearing a damn champagne suit! Mukhang tuloy kaming nag-usap sa kung ano ang susuotin namin!
“Why do you look so shocked?”
“Ha?”
He gently grabbed my arm. Aangal pa sana ako nang mabilis niya akong nadala sa gitna ng dance floor.
“Putek! Sa gitna pa talaga?”
“He danced with you here but you didn’t comply.”
“Ano?!”
“Come on, woman. I just wanna dance here with you…”
I gulped.
“Ready, woman?”
Ngumiwi ako. “Magaling ka rin, ‘no? Basta mo na lang akong dinala rito nang hindi ako tinatanong tapos sasabihin mong handa na ba ako? Ano ‘to, Rated K? Luko ka—”
“Shut your mouth,” he cut me off. Napasinghap ako. “I… I want this to be memorable… P-Please, give me a chance to experience this…”
Syiete!
Napaawang ang bibig ko. Nangungusap ang mga mata niya, nasa tono niya pa ang pagmamakaawa.
He sighed heavily.
“Please allow me to dance with you, woman,” he uttered. “I won’t take no for an answer..”
“Paano ako makakasagot ng hindi? Eh, hindi ka naman nagtatanong?”
“Yeah,” tunog bagot. “That’s why I’m not asking you. I don’t want you to reject me.”
“Aba, mautak!”
He groaned and pouted.
“Let us just dance, woman. Don’t worry, after this, I won’t bother you anymore…”
Sandali akong natigilan. Napatitig sa kaniya at ninamnam ang sinabi niya. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Hindi na niya ako aabalahin pa matapos ‘to?
I feel strange. Okay lang naman sa aking layuan niya ako, o hindi na pansinin pa. Makakabuti nga iyon, pero merong parte sa akin na parang piniga ang puso ko.
“Shall we dance?”
I nodded a bit. Nilagay ko sa tamang p’westo ang aking mga kamay, gano’n din siya. Gano’n na lang ang pagpigil ko ng hininga nang higitin niya pa ako palapit sa kaniya at nakisabay sa daloy ng malamlam na kanta.
“Woman…” dinig kong bulong niya. Sinalubong ko ang tinging pinukol niya sa akin. Nakipaglaban ako ng tingin kahit pa parang natutunanw na ako sa paraan niya ng paninitig.
“Oh?” I sounded mad and bored.
“I… I just want you to know…” he paused and sighed. “Getting to be around you was the best thing that ever happened to me.”
“Pusa…”
Napakurap-kurap ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin nang hindi ko na makayanan pang makipagtitigan.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...