Sabado, tanghali na ako nagising sapagkat late na akong nakauwi at tinapos ko pa ang lahat ng special projects ko kaya inumaga na ako. Anong oras na rin akong nakatulog, alas-sais na rin yata iyon ng umaga.Pagkalabas ko ng hotel, dumaan ako sa isang karinderya para kumain ng almusal. Narinig ko kasing tumunog ang sikmura ko, sensyales na kailangan kong pakainim ang dragon sa aking tiyan.
Habang naglalakad-lakad ako papunta kung saan ang Do or Die meron akong nakasalubong na isang babaeng weirdo, sa aking paningin lang naman. Mukhang matanda lang ito ng ilang taon sa akin.
Nagsalubong ang kilay ko nang bigla itong tumawa ng malakas at aakalain mong nababaliw na. Sumibol ang kaba sa aking dibdib.
Mukhang balak akong pagtripan ng isang baliw. Ngunit hindi naman siya mukhang pulubi na nasiraan ng tuktok. Malinis ang suot niya, mukhang mamahalin pa nga...
Nakahanda akong lampasan siya at minadali ang bawat paghakbang ko nang higitin nito ang aking braso.
“Pusanggala!”
“Makasalanan kang babae!” palahaw niya at muling tumawa ng malakas. “Pinagmumukha mong tanga ang lahat ng mga taong nasa paligid mo! Makasalanan ka! Kampon ka ni Satanas!”
Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Parang siyang tangang paulit-ulit ang mga sinasabi niya. I swallowed hard. Humihigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at ramdam kong bumabaon ang mga kuko niya sa balat ko.
“Kampon ka ni Satanas! Hanggang kailan mo itatago sa lahat ang sikreto mo?!” She laughed hard again. Matapos no'n, nanlisik ang mga mata niya. “Ginagago mo ang lahat! Ikaw ang may kasalanan! Pinatay mo siya! Pinatay mo siya! Pinatay mo siya!”
“Punyeta...” Ngumiwi ako, pilit kong kinakalas ang kamay niya sa braso ko.
“Pinatay mo siya! Pinatay mo siya! Pinatay mo siya! Nakita ko! Nakita ko! Pinatay mo siya!”
“Share mo lang?” asik ko sa kaniya at tinulak siya nang malakas. “Wala akong pinatay! Baliw!”
“Ikaw ang baliw! Ikaw ang baliw! Ikaw ang baliw! Namatay ang kaibigan mo dahil sa kabaliwan mo!”
“Putcha...” Halos malaglag ang panga ko sa gulat. “A-Anong sinabi mo?!”
“Tama nga ako! Ikaw ang nakita ko! Ikaw ang pumatay sa kaibigan mo! Pinatay mo siya! Wala kang awa! Wala kang puso!” histerikal niyang wika. Naaagaw niya na ang atensyon ng mga taong dumaraan. “Kampon ka ni Satanas! Wala kang kwentang tao! Ang dumi-dumi ng pagkatao mo!”
My eyes heated. Hinigit ko na ang braso ko mula sa kaniya. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Makapagsalita siya parang alam niya ang buo kong pagkatao.
“Wala ho akong pakialam sa pinuputok ng butchi mo, Manang!” inis kong wika, pinandidilatan ko na siya ngayon.
She laughed so hard. “Darating ang araw na pagsisisihan mo rin ang lahat ng kasalanan mo! Hindi ka na dapat binuhay sa mundong ito kung gagawa ka lang naman ng karumaldumal na krimen! Mamamatay tao ka!”
Natuod ako sa kinatatayuan ko. Nanginig ang mga kamay ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko maintindihan. Bakit niya ako inaakusahan ng gano'n? Wala akong ginagawang masama!
“Pagsisihan mo ang lahat! Pagdudusahan mo ang lahat! Mamamatay ka sa kasinungalingan!”
Makikita mo ang galit sa kaniyang mga mata at hindi ko alam kung saan iyon nagmumula. Galit na galit siya sa akin. Kulang na lang saktan niya ako. Nang aabante siya palipat sa akin, nagmadali na akong tumakbo papaalis.
Punyeta! Pati ba naman baliw gusto akong saktan?
—
Pagpasok ko sa Do or Die, maraming customers na ang bumungad sa akin. Inakyat ko ang third floor para doon kunin ang apron, cap at face mask.
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...