“You didn't find me… I found you, idiot!”
Nangngitngitan ang mga ngipin ko sa pagkainis na nararamdaman sa taong ito. Matagal kong hinintay na makaharap ang kupal na ito at ngayon lang talaga ako nagkaroon ng pagkakataong makaharap siya.
I held the arnis tightly and swayed it through his body. Kung latigo ang ginamit niyang pagpapahirap sa kaibigan ko, itong eskrima ang siyang tatapos sa buhay niya. Damhin niya ang bawat hampas na puno ng sama ng loob na igagawad ko para sa kaniya.
“N-Nararapat kang mamatay,” nanginginig ang aking boses nang banggitin ang katagang iyon. “H-Hindi ako magsisising gawin iyon sa 'yo, hayop ka!”
Tumawa siya. “P-Patayin mo man ako, hindi na maaalis sa isip at puso mong wala na ang pinakamamahal mong kaibigan… H-Hindi maibabalik ng buhay ko ang buhay ni G-Gabrielle… H-Habambuhay mo iyung aalahanin—”
“Putangina mo!”
Hinagis ko ang mga arnis na hawak ko't padarag kong hinablot ng kwelyuhan niya. Malalakas na pwersa ang siyang ginawa kong pagpapadapo ng aking kamao sa kaniyang mukha.
Kung kailangang suntukin ko siya ng isang daang libong beses mapatay lang siya, gagawin ko ng bukal na bukal sa aking puso!
“Oo! Habambuhay kong dadalhin ang bangungot na ito pero itong tandaan mo, Ariess!” Sinipa ko siya sa mukha at pinaulanan ulit ng suntok. “Itatak mo riyan sa kukute mong maliit na hinding-hindi ka magugustuhan ng taong gusto mo dahil isa kang halimaw at wala kang puso!”
Nangangarag ang buo kong katawan. Kinakapos na rin ako sa hangin at naninikip ang dibdib ko pero kailangan kong tiisin para matapos na ang kahangalan na ito.
“A-Ano bang mali sa pagmamahal ko sa 'yo, R-Rosane?”
Tibay! Nakakapagsalita pa!
“H-How I really want you could see the potential of you and me. It resembles a beautifully bound book that is written in a language that you are currently unable to read,” he coughed and tried to smile at me. “Y-You need some time, let yourself spend time with me… Let me tell you a story, love…”
Nandidiring sinamaan ko siya ng tingin. Balak-balak ko siyang duraan!
“Some days, I was on the outside of your house. Sometimes, I lay on your bed and get drunk in your smell through your blankets… I look at my image and consider what you might be and our future as lovers…”
Punyeta!
“Hanggang pangarap mo na lang 'yon!” kasabay nang pagsigaw kong iyon ay siyang pagkulog nang pagkalakas-lakas. Sandaling lumiwanag ang paligid nang gumuhit ang kidlat. “Obsessed ka, bobo! Hindi 'yan pagmamahal! Hibang, baliw, at siraulo ka lang!”
“I really love you so much…”
“Tanga! Kabag lang 'yan!”
Sumusubok ang ilan na pigilan ako sa aking ginagawa pero isa man sa kanila ay walang nagtagumpay. Sa katunayan, nakakatikim pa sila ng hampas mula sa akin.
“Tumigil ka na, Rosane,” ani John Force at nakikipag-agawan pa sa akin sa arnis. “Hindi ito ang gusto mong makuhang hustisya, 'di ba?”
“Huwag kang mangialam!”
“Gusto mo ba talagang matawag na kriminal?!”
“Kung iyon ang magiging kapalit para magkaroon ng katarungan ang pagkamatay ni Gabrielle!”
“Tangina, Rosane! Gumising ka! Hindi ikaw 'yan! Hindi siya matutuwa kung nakikita kang gan'yan ngayon! Hindi ito magugustuhan ni Gab! Hindi niya gustong mapariwara ka!” He pushed me. Dahilan para mawalan ako ng balanse at mapaupo ako sa sahig. Puta! Iyung siko ko! “May oras ka pa para tumakbo, Rosane! Tumakas ka na!”
BINABASA MO ANG
MADNESS IN LIFE
General Fiction"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapos mabasa ang natanggap na mensahe mula sa isang estranghero. Inakalang biro at nanloloko lamang ng tao ngunit isang kagimbal-gimbal na pangy...