14

20 4 0
                                    


Ilang beses kumakatok ang dalawang luka sa pinto ng aking kwarto. Panay ang pagtatanong kung papasok ba raw ako sa school ngayon. Hindi naman ako nagsalita at hinayaan na lang silang umalis ng apartment ng hindi ko sila sinasagot.

Nakahilata pa rin ako hanggang ngayon sa higaan ko. Panay pa rin ang pagtulo ng mga pesteng luha ko. Hindi naman ako nag-abalang punasan pa iyon.

“Bakit kasi ang daya?” Pinikit ko ang mga mata ko. “Bakit kasi ang kaibigan ko pa?”

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Pinigilan ko ang sariling huminga pero naghabol din lang din ako ng hininga.

Peste!

Live your life, hindi mo kailangang dumepende sa 'kin. Hindi rin naman ako laging nand'yan.”

Parang may bulong sa aking tenga. Nagpaulit-ulit ang mga katagang iyon  kaya mas lalo akong napaluha.

“Gabrielle, hindi ko kaya...”

Iniisip ko pa lang ang mga susunod na araw na wala na siya sa tabi ko, parang pinarurusahan na ako. Parang pinapatay na ako!

Gusto kong sumigaw, magalit ngunit hindi ko magawa! Ang daming namumuong mga tanong sa isipan ko at puro bakit. Bakit? Bakit nawala ang kaibigan ko ng gano'n lang? Bakit siya? Bakit gano'n? Nakaka-putangina lang! Nakaka-gago!

Napapitlag ako nang marinig na tumunog ang aking cellphone. Bumangon naman ako para kuhanin iyon. It's Tita Ginnie...

Kaagad akong tumigil sa pag-iyak at inayos ang sarili. Sinagot ko na ang tawag niya nang mahimasmasan ako.

“Rosane, anak, hindi ka raw pumasok?” bungad nito. Hindi nakatakas sa aking pandinig ang pamamaos niya.

“Masama po ang pakiramdam ko, Tita...”

“Maaari bang pumunta ka rito sa bahay, hija?”

Naroon ang sumunod na mahihinang hikbi mula sa kabilang linya. I bit my lower lip.

“N-Nand'yan na po ba 'yung...”

Hindi tuluyang natapos ang sinasabi ko nang pangunahan na iyon ng paghikbi.

“Oo, hija...”

Hindi ko alam kung saan ba kumukuha ng lakas ng loob si Tita Ginnie para sagutin ako ng gano'n katapang.

“Please, pumunta ka na ngayon dito. Hinihintay ka niya, hija...”

“T-Tita...”

“Ayaw ni Gabrielle nang pinaghihintay siya, 'di ba?”

“O-Opo...”

“Dalian mo, hija. Baka magalit na naman ang anak ko...”

Kusa kong pinatay ang tawag at muling humagulgol. Wala naman pong ginawang masama ang pamilya ni Gabrielle at ako pero bakit pinarurusahan kami?

Pinilit kong bumangon at hindi na ininda kung ano ang masakit sa akin. Isang oras akong naligo, nagbihis at dumiretso sa Area 16. Doon ko lang din namalayang tanghali na pala.

“Hindi ka pumasok sa school?” si Madeth, nang makita ako sa counter area.

Umiling ako.

“Aba at bakit naman? Tinamad ka? Ang kapal naman ng mukha mo.”

Hindi ko siya pinansin at binaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga bagong dating na customers. Ilang oras din ang tinagal ko sa counter area.

Nang hindi ako makuntento, pumunta ako sa kitchen area at naghugas ng mga pinggan.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon