30

18 2 0
                                    

Havier looked mad and devastated. Kahahatid lang namin kay Jahm at Jorja sa bahay ni Tita Dawn. Nagtataka pa nga ang kaniyang tiyahain dahil dis-oras ng gabi at napasugod kami ng walang pasabi.

They are not safe with me anymore.

Nagdahilan ang dalawa na naputulan kami ng kuryente dahil nakalimutang magbayad. Sinabi pa nila na hindi sila makakatulog kung walang bentilador.

"How long have you been experiencing this kind of shit, Valentina?! This is very alarming!"

Bulyaw kaagad ni Havier matapos maihinto ang kotse sa isang gilid. Mukhang nandito na kami sa Village ng bahay niya. Nasabi ko na ang lahat sa kanya habang nasa biyahe kami kanina.

"Almost a month, maybe?"

"What?! Almost a fucking month? And you didn't have guts to tell me?!" Hinampas niya manubela. "What's wrong with you, Valentina?!"

"I don't want to worry and disturb you."

"What's the purpose of having connection with me?!" ramdam ang inis sa boses niya. "Ako na nga lang ang kakampi mo sa pamilya natin, hindi mo pa magawang magsabi sa akin? Kaaway na rin ba tingin mo sa akin ngayon?"

"Tatawagan ba kita ng ganitong oras kung kaaway ang tingin ko sa 'yo?" I laughed sarcastically. "Kaya ikaw ang tinawagan ko ng ganitong oras dahil alam kong ikaw lang ang makakatulong sa akin!"

Bumuntong hininga ako. Napasandal ang ulo ko sa headrest ng upuan ng sasakyan niya at pumikit.

"Huwag mo na ring banggitin ito kay Papa," mahinang saad ko.

"Why?! He's your father, dapat lang na malaman n'ya ang nangyayari sa 'yo. Your life is in danger. Hindi ito biro!"

Napairap ako. "Wala siyang pakialam, remember?" Iniwasan kong pumiyok. I shouldn't be cry.

"If there's something happen to me," I sighed. "Tell them that I love them so much even they hurt me so much..."

"Hey! Don't say that! Walang mangyayaring masama! Hindi ako papayag!"

Ngumiti ako. "Alam ko naman. Pero hindi natin masabi, Havier..."

He groaned.

"Just don't think about it anymore, Valentina. As long as you here by my side, you are safe... I will protect you."

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.

"Let's get inside."

Napatango na lang ako. Nang bumaba siya, bumaba na rin ako ng sasakyan. May ilang mga sumalubong na guards at kasambahay. Kinuha nila ang dala kong mga bag pero hindi ko sila hinayaang dalhin iyon. Kaya ko naman at saka dalawang bag lamang iyon.

"Sir, sino ho siya?" the old woman asked. "Nobya niyo ho?"

Biglang kumati ang lalamunan ko at napaubo. Ano bang pinagsasabi nito?

Napahalakhak si Havier. "Hindi po, Manang. She's my cousin."

"Gano'n ba? Pasensya na, hijo. Kay gandang bata naman!"

Nakaramdaman ako ng hiya. Nagbow ako sa matanda at bahagyang ngumiti sa kanya.

"Ikaw ba ang anak ni Sir Azore?"

I simply nodded. Nakitang umaliwalas ang kanyang mukha. Ngumiti siya ng malawak.

"Akin na ang gamit mo at ako na ang maglalagay sa kwarto mo."

Umiling ako. "Ako na lang po."

"Just guide her to her room, Manang," Havier said. "May aasikasuhin lang ako sa kwarto ko. Valentina, feel at home. Just tell Manang, what things you need, okay?"

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon