34

11 1 0
                                    


Araw ng Lunes.

Ito na ang simula ng sportsfest at school festival. I'm sure that all students and outsiders here are excited.

Pero, ako? Wala akong nararamdaman na excitement sa katawan. Kaba at takot ang aking nararamdaman ngayong papasok kaming dalawa ni Jahm.

Nakasalubong ko kasi siya sa parking lot. Si Jorja naman ay naiwan sa roon dahil inaayos niya ang mga gagamitin niya mamaya para sa pageant. Balak nga namin siyang tulungan ni Jahm pero she refused it.

Kahit kinakabahan at natatakot ako sa maaaring mangyari ngayon, hindi ko ito pinahalata. Ayokong makita nila na balisa at wala ako sa sarili.

"Ayos ka lang?" bulong sa akin ni Jahm. Nag-aalala na nanuri ang mga mata niya sa akin.

"Ayos lang ako, nauuhaw lang."

"Pagdating natin sa Arts Club, uminom ka ng maraming tubig. For sure, may pagkain at tubig doon dahil ako nagpahanda no'n!"

Tumango lang ako sa kaniya, may mga ilang estudyanteng napapatingin sa gawi namin, hindi ko naman pinansin iyon.

Maaga pa naman at hindi pa nagsisimula ang school festival at sportsfest pero ang dami ng outsiders, siguro dahil dito mag-o-opening remarks.

"Wow! New look!" ito ang bungad sa amin ni Winston. "May jowa kasi si Rosane kaya blooming. Ang angas mo naman! Isa ngang pang malakasang power d'yan! Si Jahm naman napag-iiwanan kaya nagpapaganda!”

Natawa ako sa kaniyang sinabi pero kaagad ding natigilan nang mapagtanto ang sinabi niya.

Anong jowa ang sinasabi niya?! Anak ka ng tsismis!

"Wilson, lumayo-layo ka sa akin baka matadyakan kita," asik ni Jahm. "Hindi mo ba nakikitang maikling ang buhok ko?! Ang ibig lang no'n sabihin ay maikli rin ang pasensya ko!"

"Ito naman, oh! Ang aga-aga high blood! Bahala ka! Sayang pagpapaganda mo! Dapat good vibes lang! Happy lang!"

Pumasok na lang ako sa tent ng Arts Club at nakikitang abala sila sa kanilang mga pinipinta.

Nakakainggit... Sana lahat binigyan ng gano'ng talento.

"P're may chicks…"

"Weh? Saan?"

"Ayan, oh! Bulag ka, p're?"

"Ay! Oo nga, 'no! Tanga, si Rosane ‘yan!"

"Tangik! Hindi!"

"Tanga! Si Rosane nga! Nagpagupit lang, bobo!"

Binatukan ko silang dalawa dahil hindi nila namalayang tumapon na ang garapon ng mga paint brush.

"Ang sakit, ah!" reklamo ni Louise.

"P're, mabigat pala ang kamay ni Rosane!" simaan pa ako ng tingin ni Ray. "Kamay ba ng dalaga 'yan o binata?!"

Lumabas ako ng tent matapos uminom ng maraming tubig. Naisipan kong mamaya na lang ako pupunta sa Music Club.

Masyado pang maaga.

Pumihit ako ng malalim na paghinga. Hindi ako nakatulog kagabi dahil natuklasan ko. Sa mansyon ng mga Aeñoso ako umuwi kagabi dahil dinala ako roon pauwi ni Gariel. Tulog na sina Tita Ginnie at Tito Roy nang dumating kami. Si Aling Esme na lang ang naabutan namin, alalang-alala siya kaya napilitan kaming dalawa ni Gariel na magpaliwanag. Nakiusap din si Gariel na huwag nang sabihin kina Tita Ginnie ang nangyari dahil ayaw niyang mag-alala ito. Pumayag naman si Aling Esme ngunit may isang kondisyon. Hindi raw dapat maulit ang gano'n dahil kung hindi ay kukurutin niya sa singit si Gariel.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon