33

16 2 0
                                    


Mabuti na lamang tinawag kami ni Tita Ginnie, dahil kung hindi ay baka nag-away na naman kami ni Gariel. Dumating namma si Tita Olga galing kusina. Nakangiti itong sumalubong sa amin.

"I'm very thankful na nakarating kayo, Ate!"

"Where's Karla, Olga?"

"Pababa na iyon, Ate Gin," dinig kong wika nito. Inilibot ko aking buong paningin sa paligid.

Kapansin-pansin ang mga naglalakihang chandelier at portrait painting.

Grabe....

Wala akong masabi.

Parang nagmukha akong basahan dito.

"Hi, Sane!" Nabigla ako nang biglang lumapit sa akin si Tita Olga. Ginulo nito ang buhok ko. "You're so pretty naman..."

Napapahiya akong ngumiti.

"Ate Gin, p'wede ba minsan, dito matulog ang batang ito para may makalaro si Karla?"

Ano, ako? Laruan?

Narinig akong tumawa si Tita Ginnie at Tito Roy.

"Olga, she's not a toy."

"I know! But she's so cute! Gusto ko tuloy siyang ampunin!"

"No way, Olga."

"Adopt her, Tita Olga," Gariel said. "Malalaman mo kung gaano katigas ang ulo n'yan..."

"Nahawaan mo siguro siya?"

"What?! I'm not a hard-headed, Tita!"

Nagtawanan sila. Natahimik lang nung may sumigaw papunta sa aming gawi.

It was Karla.

Humahagos itong lumapit sa gawi nina Tita Ginnie. Nag-usap sila at ako naman ay tahimik lang nakinig sa kanila.

"Oh, hi, Ate!"

"Hello," bati ko rito.

"Thank you for coming!"

"Wala iyon. Happy Birthday."

"Thanks, Ate!"

Nagulantang ako nang bigla itong umakyabit sa braso ko. Napangiwi ako, nasanggi niya ang sugat ko sa braso.

"Where's your Kuya Karl?" tanong ni Gariel sa kaniya.

"Susunod daw siya, Kuya Gari."

Kusa kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko at nanghimulsa. Awit, p're. Mukhang magdurugo ang braso ko.

"Ate, why are you wearing jacket?" Kakikitaan ng pagtataka ang mga mata ni Karla. "Are you sick?"

"Hindi, nilalamig lang ako."

"Ah, okay." Tumango-tango ito, mukhang nakumbinsi ko naman. Muli niyang sinabit ang kamay niya sa braso ko. Hindi ko na ito inalis pa. "Oh, Kuya is finally here!"

Napaangat ang tingin ko. Dumiretso ang tingin ko sa lalaking pababa ng hagdan. Tila isang supladong artista ang bumaba mula sa ikalawang palapag. Hindi nito binibigyang pansin ang ilang pares ng mga matang nakasulyap sa kaniya.

He really looks good in his suit. I couldn't disagree about it, he looked great. His eyes were deep and expressive, and if you stare long enough, you could get lost in them.

I find it... weird.

Bakit parang bumabagal ang pag-ikot ng mundo?

Nag-iwas ako ng tingin nang dumapo ang tingin niya sa gawi ko.

Ano bang nagyayari sa akin? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Putcha! Kumalma ka, self!

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon